Explain

109 3 0
                                    

Chapter 4:Explain

Ra Don

Natapos ko ang klase ko sa babaeng yun. Dinala pa niya ang nanay niya. I-rereport nila ako. Ako pa ngayon ang may kasalanan.

Biglang may humila sa akin. Nagulat ako nang makita mo na naman nanay niya na nakahawak sa braso ko. "Ba-bakit?"

"Alam mo kasi, mali ang ginawa mo sa anak ko. Alam mo namang bata pa. Pero nung kapanahunan ko, nagawa ko na rin pero bakit naman sa anak ko? Professor ka niya at hindi pwedeng maging kayo."

Hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Nakakatawa. "Ho?!" Hindi ko na napigilan at napatawa na talaga ako. "Sumama po kayo sa faculty room, Misis. Para naman magkalinawan tayo."

"Sige,sige." Napakunot ng kilay siya. "Bakit ka tumatawa? Tuwang-tuwa ka pa sa ginawa niyo?" Pagtatanong niya.

Inilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng slux ko. "Wala pong nangyari." At nauna akong naglakad.

Nararamdamn kong nasa likod ko pa rin siya. Gusto niya talaga malaman kung anong meron. Pwes, sasabihin ko sa kan'ya ang ginawa ng anak niya. Masyadong hindi napangaralan ang bunganga eh.

Pinapasok ko siya at pina-upo. Ang mga mata ay nasa mesa ko na punong-puno ng mga sulat at regalo mula sa mga estudyante.

"Ano yan?" Tanong niya.

"Mga love letter yan, ma'am." Sagot ng janitor na nasa likod ko pala.

Nagulat siya nang malaman iyon. "Love letter ba kamo?" Tumango si Jack. "Opo, ma'am. Madami po kasing nagkakagusto kay Professor Kim."

"Eh bakit madami? Eh girlfriend na nito anak ko." Tinuro pa ako.

Napatawa kami ng janitor. Hindi alam ng ginang na 'to ang nangyari.

"Madam, alam niyo po ba kung anong ginagawa ng anak ninyo dito sa paaralang ito? Guess not."

"Then explain it to me! Para hindi niyo ako tinatawanan. Kanina pa tayo magka-usap hindi mo naman pinapaliwanag. Eh, paano tayo magkakalinawan? Pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko? Hindi kita tatanggaping anak."

"Huh? Nobya mo ang anak niya? Estudyante mo sir? The best ka talaga." Sabat naman ni Jack.

"Huminahon po muna kayo at sasabihin ko ang tunay na nangyari. Ganito po kasi yan."

.

Lunch

Nakapila kami ngayon sa canteen para bumili ng pagkain. Ang bagal ng usad kasi naman, chismis pa inuuna ng mga tindera.

Hanggang sa ako na nga. Nagulat ang isa nang makita ako. Mas nagulat ako sa kilay niya. Isang linyang napakanipis. "Oh? 'di ba ikaw yung nambososo kay Professor Kim namin?" Taas kilay pa niyang tanong.

Napalingon ako sa mga kaibigan ko na walang imik. "Excuse me, hindi po ako namboso sa kan'ya. Malay ko bang nandun siya? Wala kayong karapatang-"

Biglang may humarang sa akin. Isang malaking likod. "Isa pa 'to."

"Isang pork steak, ate." Nagtataka ako kung bakit nakatingin ang mga tao sa amin. Sinsabi ko na. Si Mr. Kim ng ang nasa harap ko.

"Ay, Professor Kim! Pork steak ba or me?" Tanong ng tindera. Napatagilid ako at silip sa walang hiyang yun. "Haha, pork steak and you." Tumingin ako kay Mr. Kim na kinindatan pa ang tindera.

"Pafall." Murmur ko. Humarap si Mr. Kim at umiwas naman ako ng tingin. "Hindi niya ako binosohan. Sabi niya." Napatingin ako pataas sa mga mata niya.

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon