Kiss

79 1 0
                                    

Chapter 12: Kiss

Mr. Kim

Nagising ako sa ingay ng kapatid ko habang tinatawag ako. "Kuya! Bilisan mo. Tingnan mo nga 'to."

"Ano ba yan?" Tumayo ako at binuksan ang mga mata ko.

Nakita ko ang hawak niyang mga kuwintas.
"Ano yan?" Tanong ko.

"Ibibigay ko lang sana kay Yuna. Alin ba ng mas maganda? Itong silver or gold?"
Umupo siya sa kama ko.

Bakit niya bibigyan si Yuna? Nililigawan niya na ba si Yuna? Hindi pa pwede.

"Ano?" Tanong niya ulit.

Pinagmasadan ko ang dalawang kuwintas. "Mas gusto ko ang silver. Mas elegante at masusuot mo kahit saan." Wika ko.

"Talaga? Sige, ito na ang ibibigay ko. Alam mo ba, marami akong nalaman tungkol sa kan'ya."

"Ah, talaga?" Ngumuti ako ng peke para lang mapaniwalang gusto ko pinagsasabi niya.

Nakita niya ang teddy bear at akmang hahawakan. Agad kong kinuha ang teddy bear  at niyakap. "'Wag mo nga 'tong mahawakan." Sabi ko.

Natawa siya. "Bakit naman? Eh sa akin naman talaga 'yan. Kanino ba kasi galing yan?" Tanong niya.

"Hindi ko ng alam. Basta!"

"Alam mo, parang napapansin ko. Mas lalo kang bumabata. Hindi ka naman baliw, 'di ba?"

"Lumabas ka na nga lang!" Sigaw ko.

Tumayo siya. Dumating naman ang bunso naming kapatid. Si Jae.

"Galing 'yan sa girlfriend niyang High School." Sabay talon sa kama ko.

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.

"Si Yuna Del Luna. Kilala mo ba yun kuya James?"

Napa-ikot si James. Lumapit siya. "Anong sabi mo?"

Tumayo siya sa kama ko at nakipagpataasan kay James. "May bagong girlfriend na si kuya! Ikaw wala."

Umikot ang mukha niya sa direksyon ko.
"Hi-hindi! Hindi 'yon totoo." Sabat ko.

"Kuya, bakit si Yuna?"

"Sinabi ko namang hindi 'yon totoo, 'di ba?"

"Siguraduhin mo na, kuya. Seryoso kasi ako ngayon."

Kinabahan ako dun. Seryoso nga siya. Sa tunog pa lang ng pagsasalita niya, totoo ang mga sinasabi niya.

Lumabas si James sa kwarto. "Nag-aagawan kayo sa isang babae? Totoo ba 'to? Mas attractive sayo si E Don, pero mas boto kita. Secret lang natin."

Tumayo siya sa kama. "Kaya mo yan! Fighting!"

"Alis na."

.

Nagchecheck ako ng attendance sa klase. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni James. Mukhang si Yuna talaga ang gusto niya.

"Del Luna?"

"Nandito na siya!" Si James 'yon ah.

Napatayo ako nang bumukas ang pinto. Hawak-hawak niya ang kamay ni Yuna.
Dahan-dahan silang pumasok dahil sa paa ni Yuna.

Ano pa bang ginawa nila? Ang harot kasi. May pa hawak-hawak pa ng kamay. Gustong-gusto naman ni Yuna.

"Bakit ka na naman late?" Tanong ko.

"Kuya, tingnan mo nga ang sitwasyon niya."

"At bakit ka nandito?" Tanong ko kay James.

"Hinatid ko siya, bakit? May karapatan ako dahil ako ang boyfriend niya."

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon