Sorry

62 1 0
                                    

Chapter 14: Sorry

Yuna

Ilang araw pa ang nakalipas, bumuti na rin ang pakiramdam ko at nagdesisyong pumasok na sa School.

Naglalakad ako sa ground. May lumapit sa'king mga first year. "Ate, may nagpapabigay po."

Kinuha ko ang isang papel. May nakasulat dito. "Sa likod mo." Lumingon ako at may nakitang board. "Sa kanan?" Umikot naman ako sa kanan ko. Nakita ko ang isang lalaking papalapit na may hawak na rose flower.
Inabot niya ito sa'kin. "Kanino galing 'to?"

Hinawakan niya balikat ko at inikot ako pakaliwa. Nakita ko si E Don. Nakangiti siya.
Ako na ang lumapit sa kan'ya. Bigla niyang pinakita ang hawak niyang mikropono.

Anong binabalak niya?

Itinapat niya iyon sa bibig niya. Biglang tumugtog ang Statue by Li'l Eddie. Nakapalibot na ang mga tao.

"Ano 'to, E Don?!" Tanong ko.

"When the day is said and done
and in the middle of the night and you're
fast asleep, my love." Nag-umpisa na siyang kumanta.

Lahat ng mata ay nakatingin na sa amin. Hindi ako makatingin sa ibang tao. Nahihiya ako.

Gusto ko na sanang umalis pero nahakawak siya sa kamay ko.

"I'm like a statue, stuck staring right at you.
Got me frozen in my tracks.
So amazed how you take me back,
Each and every time our love collapsed."

"E Don."

"It's just 'cause I can't believe that you're so
beautiful. Don't wanna lose you, no. 'Cause I'm like statue~"

Sa wakas. Natapos na rin.

"Yuna, I'm happy you're here. Lagi kitang gustong makita. Nang makilala kita, naramdaman ko ang love at first sight. Nagustuhan agad kita kasi, komportable ako sayo."

"Huh?"

"Alam kong hindi na ako first kiss mo. Pero I can be your last." Sabay kindat siya.

Nagtilian ang lahat. Mas lalo pa akong nahiya. Hindi na ako nakagalaw. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Gusto na kita."

Kumalas ako. "Pasensya ka na, E Don."

"Pwede na ba akong manligaw sa'yo?"

Ayoko siyang mapahiya sa madaming tao. Ayoko rin na masaktan siya. Hindi ko naman inaasahang gagawin niya ito.

Hinatak ko siya papalayo sa mga tao. Nakarating kami sa bench. "Bakit umalis pa tayo?"

"Makinig ka, E Don. Hindi pa ako ready."

"Maghihintay ako!" Sabay ngiti niya.

Inirapan ko siya. "Ang kulit mo. Hindi mo ako pwedeng ligawan. Ok na ba?"

Aalis na sana ako nang humawak siya sa balikat ko. "Yuna, maghihintay nga ako."

Tinapik ko ang kamay niya. "Ayoko nga sa'yo. Hindi kita gusto. Ayaw na kitang paasahin. May iba na akong gusto."

"Si kuya ba?" Tanong niya.

Paano niya nalaman ang tungkol dun?
"Alam mo-"

"Bakit siya? Siya ba talaga ang gusto mo? Hindi ka ba natatakot sa sasabihin ng ibnag tao sa inyo? 8 years ang gap niyo! Nag-iisip ka ba?"

Tama naman siya eh. Pero anong magagawa ko? Binihag na ako. "E Don.."

" kayo, 'di ba?" Tanong niya.

Tama, walang kami.

"Edi hayaan mo akong manligaw sa'yo. Nandito pa rin ako kahit anong mangyari. Sabihin mo sa lahat na Kim E Don and boyfriend mo at hindi Kim Ra Don."

Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Hayaan mo na akong ipakita sa'yong deserve mo 'ko."

"Seryoso ka ba talaga?"

"Seryoso pa sa seryoso."

Gusto ko naman siya eh. Gustong-gusto ko siya. Pero magulo pa sa ngayon. Naaawa ako tuwing nandiyan siya at ginagawa ang best niya.

"Sige."

"Pumapayag ka na?"

Tumango ako. Niyakap niya ulit ako.
Nagulat ako nang may humila sa'kin. Si Andre.
"Hindi mo dapat siya pinipilit sa ayaw niya."

Hinila ulit ako ni E Don papalapit sa kan'ya. "Ano bang problema mo? Hindi ko siya pinilit. At pumayag siyang ligawan ko siya."

Hinatak ako bigla ni Andre. "Sigurado ka bang masaya siya sa desisyon niya?" Tanong ni Andre.

Nakahawak sila parehas sa mga braso ko.
Nakatingala lang ako sa kanila.
"Pagkatapos ng ginawa mo sa kan'ya, may lakas ng loob ka pa?" Tanong naman ni E Don.

"Mukhang ayaw niyo namang mapunta sa Guidance Office." Napalingon kami sa harap. Nakita kong galit si Mr. Kim na nakatayo sa harap ko.

"Kuya?"

"Bitaw." Ang sama ng tingin niya.

"Mr. Kim, makikisali ka rin?" Tanong ni Andre.

"Bitaw." Inulit niya.

"'Wag mo na kaming paki-alaman dito, kuya." Sabi ni E Don.

"Sinabi kong bitaw!" Sumigaw siya. Natakot ako sa tono ng boses niya. At ang sama pa ng tingin niya.

Binitawan ako ng dalawa. Lumapit si Mr. Kim at hinila ako papalayo sa kanila.

"Mr. Kim, nasasaktan na ako!"

Bumitaw siya at humarap sa'kin. "'Di ba sabi ko, 'wag ka nang magpapaligaw sa iba? Ano bang sinabi mo kanina kay James? Pumayag ka."

"Eh ano naman ngayon?! Bawal na ba akong magpaligaw? At bakit ka ba nagagalit? Sino ka ba para magdesisyon sa buhay ko?!"

"Yuna.."

"'Wag mo 'kong tawaging Yuna! Bakit ba? You're just this perfect professor I loved before na hanggnag ngayon pinapaasa pa rin ako! Hindi mo naman hawak buhay ko ah. Wala ka ring karapatan, dahil hindi naman tayo. May pahalik-halik ka pang nalalaman!"

Tinulak ko siya at tumalikod. Naramdaman ko na lang ang yakap niya sa likod ko. Tinutulak ko siya, pero mas hinihigpitan niya pa.

Ano bang meron? Wala naman akong ginawa para magustuhan niya ako. Bakit nangyayari 'to.

"Kasi gusto kita."

"Hindi yan totoo. Wala lang 'yan." Sagot ko.

"Pa'no kung meron? Maniwala ka naman."

"Maniwala? You're my Professor. Ano sasabihin ng mga tao? Hindi naman tayo pwede!"

Kumalas siya sa yakap. Humarap muli ako sa kan'ya. "Hindi mo ako gusto. Humahanga ka lang, Yuna. Itigil na natin 'to. Bago pa lumala, hindi tayo makawala."

Sinabi niya rin. 'Yon lang naman hinihintay ko. Sabihin niyang itigil na kasi hindi ko na napipigilan.

"I'm just your Professor Crush." Tiningnan ko lang siya papalayo sa akin.

"I'm sorry!" Sigaw ko baka sakaling marinig niya. Nagsisisi ako sa mga sinabi ko. Professor ko pa rin siya kaya dapat hindi ako nagslita ng ganon.

Tumulo na lang bigla ang mga luha ko. "Ganito pala masaktan ang nagmamahal." Sabi ko sa sarili ko.





Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon