Chapter 05

3.4K 57 0
                                    

Asshole

"Alam mo kasalanan to ng kaibigan mo eh! Pano kung may nangyaring masama sa baby ni Cha? Leche!" Rinig kong ratrat ni Janine

Grabe pati ba naman sa panaginip ko naririnig ko parin bunganga nilang parang may speaker? Di na ata tatahimik buhay ko

"Gigil na gigil kami diyan sa friend mo papi Felix ah!!" Rinig ko ring rebat ni Neo

Dumilat nako dahil diko kaya yung boses nila. Pag dilat ko napansin ko na agad na nasa hospital bed ako, at syempre dahil sa itsura ng paligid. Pag tingin ko sa kamay ko, naka swero ako? natatandaan kong nahimatay lang ako pero bat naman naka swero na agad.

Bigla kong naalala yung pagkahimatay ko kanina, y-yung baby ko! napakapa agad ako sa tiyan ko, omaygod!

"Yung baby ko? kamusta daw?" Agarang tanong ko sa kanila

"The baby's okay" Biglang sabi ni Ash na nasa tabi ko pala nakatayo

Seryoso siyang nakatingin sa kalagayan ko. Bigla naman sumama ang timpla ko ng makita ko ang muka niya. Dahil sa kanya nag passed out ako, kung hindi niya inistress si baby kanina edi sana hindi ako nahimatay. Pakyu siya pano kung may nangyaring masama kay baby huhu isusumpa ko talaga siya hanggang libingan!

"Anong ginagawa mo dito? pwede bang umalis ka nalang dahil sayo na iistress ang baby ko!" Sabi ko sa kanya

Tumabi naman sila Janine at Neo sakin at saka hinawakam ang balikat ko, at pinapakalma ako.

"The baby is mine too. Im sorry i remember you now, Felix show me the cctv footage about that night. Hindi bat ikaw ang umalis non sa hotel? And now you pointing the blame on me" Sabi niya sakin habang seryosong nakatingin sakin

"Hindi naman kita guguluhin kung hindi ako nabuntis eh, duh?" Inis na sabi ko sa kanya

Lumabas naman si Janine at Neo para asikasuhin ang pag discharge sakin. Lumabas din si Felix para samahan sila at bayaran ang bills ko, utos sa kanya ni Ash. At syempre natira kami ni Ash sa kwarto.

Pagtapos namin sa hospital, si Ash ang naghatid sakin sa apartment ko kahit na umaangal sila Janine. Saka nalang siguro ang war, kapag lumakas na uli ako. Hindi kami nagkikibuan dahil lagi kaming nagbabangayan sa twing naguusap kami. Mas mabuti na to, ayokong ma istress uli si baby

"Pack your things lady, don kana titira sa bahay ko, i will just wait you here in the car" Walang lingunang sabi niya ng mahinto kami sa tapat ng apartment ko.

Ano daw? di naman siguro ako nabungol don para hindi marinig na mag impake daw ako diba.

"Ano? at bakit ko naman gagawin yon? may bahay ako kaya hindi ko kelangan yon" Mataray na sabi ko sa kanya

Huminga naman siya ng malalim saka ako dumako ng tingin sakin

"Im not doing this for you, im doing this for the baby. And i will running some tests, i will make sure if the baby is really mine" Malamig na sabi niya

Tangina ang kapal naman ng muka niya para sabihin sakin ng harapan to. Pano kung nariring ni baby yung mga sinasabi niya na parang duda siya na hindi sa kanya to.
Tinignan ko naman siya na parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya.

"What? what do you expect? Malay ko bang naki pag sex kapa sa iba pag katapos ng gabing yon, you will stay in my place until the result came" Walang ganang sabi niya sakin habang nagmamaneho

Binato ko naman sa kanya yung tissue na nasa harap ng kotse niya.

"Hindi ako maduming babae gago ka! At kapag ikaw ang lumabas na may STD satin, i will surely kill you!" Sigaw ko sa kanya

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Im 100 percent sure, i am clean and healthy man as fvck, woman" Inis na sabi niya sakin, nginisian ko lang siya

Sure na kong gagawin ko siyang abo kapag lumabas ang resulta na siya talaga ang tatay neto. Ang tingin niya sakin gabi gabi nakikipag sex kahit kanino? aba broken lang ako non no hindi hayok sa sex! Bumaba nako sa sobrang gigil ko sa kanya. Hindi ako nagdala ng maraming gamit dahil wala lang ayoko lang. Ipa rent ko kaya muna tong apartment ko habang wala ako dito para maka tipid ako. Pagiisipan ko.

Hinagis ko yung bag ko loob ng kotse niya. Napaka sama ng ugali ni hindi man ako tinulungan sa pagbuhat, alam niyang mabigat to! Leche siya pag ako napaanak ng wala sa oras dito! Padabog naman kong pumasok uli sa sasakyan niya. At hindi na kami nausap uli, umiinit lalo ang ulo ko kapag naririnig ko ang boses niya

Pagdating namin sa bahay niya syempre ano pa ba aasahan ko, magandang bahay at maraming kotse? hanep buhay mayaman, masama naman ugali! Pano, ako parin nag buhat sa gamit ko, lalo akong nangigigil!

Pasalamat siya pogi siya, at maganda lahi niya na pwedeng makuha ng anak ko. Baby, yung feature lang ng daddy mo ang kunin mo wag yung ugali okidoks? Pasimple kong hinawakan ang tiyan ko habang kinakausap sa isip ko ang baby ko. Napa tingin naman si Ash sakin.

"Are you okay?" Biglang tanong niya, oa naman neto

Pinaikot ko lang ang mga mata ko saka hinarap siya

"Magpapahinga nako, nasan ang kwarto ko?" Masungit kong tanong, hindi na niya ako sinagot

Umalis nalang bigla bigla kaya naman sinundan ko siya at nahinto kami sa isang kwarto na ang hinala ko ay kwarto ko. Maayos at malinis naman yung kwartong ibinigay niya.

"Theres only one rule in this house. Do.not.come.in.my.room, understood woman?" Pagpapaalala niya sakin bago siya umalis

As if naman papasukin ko yung kwarto niya, kasuka siya ha. Mahahandle ko kayang kasama to eh marinig ko lang ang boses niya parang kumukulo na agad ang dugo ko. Tangina bahala na susunugin ko siya ng buhay kapag bwinisit niya ako uli. Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko sa susunod na araw. Eh parang kahapon lang ang tanging goal ko lang naman ay mahanap ang tatay ng anak ko hindi mag paampon.

Pagkatapos kong iligpit ang gamit ko ay nagpahinga nako dahil sobrang pagod ko ngayong araw. What a day.

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon