Chapter 12

2.8K 54 0
                                    

Reth

Natutulog ako ng magising ako dahil sa lakas ng katok. Aish, sino ba yon hind niya ba alam ang salitang respeto? respeto sa taong natutulog! Sabi nga nila magbiro kana sa lasing wag lang sa taong ginising mo, oh ano naiba na no? syempre!

Padabog akong tumayo at lumabas ng kwarto hindi nako nagabala pang suotin ang roba ko, kaya naka bistida pa ako ng manipis na sando. Pagbukas ko ng pinto, hindi ko alam kung nananaginip ba ako o binabangungot. A-anong ginagawa ni Ash dito??

Tinignan niya ako ng inosente saka napadako sa suot ko at tinignan ang kabuohan ko

SHIT

Tumakbo ako sa kwarto saka mabilis na hinanap ang roba ko at saka nag suot ng pajama. Nag toothbrush narin ako bago lumabas, mamaya maayoy ni Ash ang bagyo sa bibig ko. Pag labas ko busyng busy si Ash asikasuhin yung mga grinocery niya. Para saan yan?

"Ano yan Ash?" lapit ko sa kanya

Tinignan niya lang ako ng bored pero ngumiti din naman.

"Grocery, in case you dont know" Nangiti ngunit sarcastic niyang sabi

Nalukot naman ang muka ko sa sagot niya. Muka bang di ko alam na grocery yon? bulag?

"Alam ko! I mean para saan yan saka anong ginagawa mo dito?" Medyo naiiritang sabi ko

Kumuha ako ng inumin sa ref saka nilapag ang baso sa harap niya

"Let me make it up to you and to my baby, i know you're still mad but i dont care, i will always check you whenever i want" Seryosong sabi niya

Napalunok naman ako bigla, nararamdaman ko na naman ang karupukan ko. Onti nalang bibigay na naman ako dito sa jerk na to. Hays. tumigil ka nga Cha concerned lang siya sa baby, okay? kaya wag kang ma fall, masakit umasa! Bahala siya kung anong trip niya sa buhay niya basta ako dedma. Dito na siya kumain ng hapunan at HIMALA siya ang NAGLUTO grabe diba kakaiba talaga ang tawag ng diyos ngayon. Ang señiorito ang nagluto ng kakainin namin. Inferness masarap, parang mas masarap pa nga siya magluto sakin eh.

At bago siya umalis ginawan niya pa ako ng midnight snack. Balak niya sanang mag over night dito PERO! syempre sa sofa siya matutulog kaso nga lang may pasok siya bukas at wala siya dalang gamit niya. Nanghinayang ako pero syempre di ko pinahalata no, sabi ko pa mabuti naman di ka dito matutulog.

Kinabukasan ay pumasok nako sa trabaho at tipikal na lunes, ang araw na kinatatamaran ng lahat. At ang dalawang bruha kong kaibigan hindi nila alam na umalis ako sa bahay ni Ash, wala rin sana akong balak sabihin kaso ano pa't malalaman at malalaman din nila. Buhay kaya nila ang impormasiyon no!

"ANO?! bakit naman di ka niya pinigilan nung umalis ka?" Takhang tanong ni Janine

Inirapan ko naman siya sa tanong niya

"As if naman magpapapigil ako, saka mas better na muna to" Sagot ko

Natahimik naman ang dalawang bading sa sagot ko. Nga pala para sa impormasiyon ng lahat ang tunay na bading sa kanila ay si Neo okay? muka lang bading si Janine kaya ko siya tinatawag na bakla, pero ang totoo babae siya dahil may bahay bata siya, ugaling bading nga lang.

Habang kumakain kami ay biglang nag ring ang phone ko. Registered number lang ang lumabas sa screen, pero sinagot ko parin

"Hello is this Ms Charis Ava Lopez?" Rinig kong tanong ng isang lalaki sa kabilang linya

"Yes, ako nga. Bakit?"

"Ah maam this is from Pacific Hospital. Eh maam, ikaw lang po yung nasa contact ng isang pasyente dito--"

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon