Chapter 1: Family Legacy

4.9K 172 11
                                    

Sa wakas dumating na rin ang araw na pinaka-hinihintay ko. Ang araw kung saan ay matatanggap ko na ang Family Legacy ng aming pamilya.

18 years ang hinintay ko para lamang sa araw na ito!

Sa likuran ng luma naming bahay ay makikita ang isang lumang templo.

Sa harap ng templo ay masasaksihan ang isang malaking marka na gawa sa dugo ng hayop.

"Handa ka naba?".

Tanong sa akin ng misteryosong matanda habang nakatingin sa akin.

Sa totoo lang hindi ko kilala ang misteryosong matanda na ito, maliban lamang sa ito ang namamahala ng lumang templo ng aming pamilya.

Agad akong tumango sa misteryosong matanda at nagtungo sa gitna ng malaking marka na gawa sa dugo ng hayop.

Habang pumwesto naman ang misteryosong matanda sa aking harapan.

"Magsisimula na ako". Sabi ng misteryosong matanda.

Sa oras na iyon hindi ko alam kong paano pero biglang may liwanag ang nabuo sa kamay ng misteryosong matanda.

Kasunod din nito ay ang pagliwanag ng malaking marka na gawa sa dugo ng hayop!

"Hayaan mong pumasok sa iyong katawan ang enerhiya at hayaan mo itong dumaloy na parang iyong tunay na dugo".

Sabi ng misteryosong matanda habang agad kong naramdaman ang kakaibang enerhiya na pumapasok sa aking katawan.

Nagmumula sa malaking marka na gawa sa dugo ng hayop ang enerhiya na pumapasok sa aking katawan.

*Crack!*

Hindi ko alam kong bakit pero isang crack ang aking narinig sa kaloob-looban ng aking katawan at kasunod nito ay ang tuloyang pagkabasag ng isang bagay sa loob ng aking katawan. Dahilan para unti-unti akong mawalan ng malay.

Gayunpaman bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang mga huling salita ng misteryosong matanda sa akin.

"Mag-ingat ka sa kabilang mundo". Sabi nito at tuloyan akong nawalan ng malay.

*****

"Young master! Gumising ka!".

"Young master! Gumising ka mapapatay ako ng iyong ina kapag hindi ka nagising! Bakit kasi naisipan mo pang magtungo dito sa bundok!".

Hindi ko alam kung bakit pero parang may tumatawag sa akin  mula sa aking pagkakatulog.

"Young master! Gumising ka!".

Sa oras na iyon ay hindi ko na napigilan at tumayo ako mula sa aking pagkakatulog.

Ngunit bago pa man ako makabangon ay isang memorya ang mabilis na pumasok sa aking utak.

"Agh!".

Agad akong napahawak sa aking ulo dahil sa memoryang bigla-bigla na lamang lumitaw sa aking utak.

"Young master! Ok kalang ba? Masakit ba ang ulo mo?".

Tanong sa akin ng tinig na merong pagka-concerned. Ganon pa man ay hindi ko ito pinansin dahil sa mga oras na iyon ay agad kong naunawaan ang aking sitwasyon!

Transmigration! Ito ang sitwasyon ko ngayon!

Shit! Kong ganon ang Family Legacy ng aming pamilya ay isang transmigration!

Pero hindi ko na muna ito inisip dahil sa sakit na aking nararamdaman right now.

"Darvin ibalik mo ako sa Clan".

Sabi ko sa lalaking kanina pa salita nang salita habang agad naman itong tumango sa akin at walang kahirap-hirap ako nitong nabuhat na parang isang papel.

Summoners Path (Completed) Where stories live. Discover now