Chapter 3: Ordinary Summoner?

1.6K 119 5
                                    

It's been a week simula noong nangyari ang birthday ko at halos mag isang linggo ding nasa internet, tv news at papers ang pangalang Sol Magi.

Ganon paman ay hindi ko ito binigyan ng pansin at sa mga araw na iyon ay unti-unti kong hinila ang Summoning Magic sa aking katawan patungo sa aking soul at sa araw na ito ay nagawa ko na din ito sa wakas.

Sa oras na magawa kong makakonekta sa summoning magic sa aking soul ay agad na nabuo ang isang magic mark sa aking kaliwang kamay patunay lamang na isa na akong tunay na Summoner.

'Kailangan ko nang mag pahinga'. Sabi ko sa aking sarili.

Agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo habang aking binuksan ang kurtina ng aking kwarto.

Hindi katulad ng dati kong kwarto sa Magi Clan ay mas maliit ang bago kong kwarto ganon paman ay hindi maikukumpara ang view na aking natatanaw sa bagong lugar na ito.

Matatagpuan sa Tagaytay City ang Cruz Clan, hindi ito kasing sikat ng Magi Clan ngunit kilala ang Clan na ito sa Lightning Magic at ito din ang pamilyang pinagmulan ni mom.

Dahil na din sa galing ko sa Lightning Magic ay walang kahirap-hirap akong tinanggap ng Cruz Clan, isama pang anak ako ni Hilda Cruz ang dating princess ng Cruz Clan. 100 percent na may lugar ako sa lugar na ito.

Sa mga araw na lumipas ay pinag-aralan kong mabuti ang Law of Summoning, ayon sa memorya ng dating Sol ang isang summoner ay kayang bumuo ng kontrata sa isang nilalang sa ibang dimension o lugar.

Ganon paman ang isang normal na summoner ay laging nabubuksan ang dimension ng Magical Beast Realm isang realm kong saan ang mundo ay pinaghaharian ng mga Magical Beast.

Pero ayon sa lumang librong na nakuha ko gamit ang koneksyon ni Mom, ang isang summoners ay pwedeng gumawa ng kontrata sa nilalang ng ibang dimension!

Ibig sabihin hindi lang sa realm ng Magical Beast. Pwede din sa iba pang lugar!

Subalit hindi paden ako sigurado dito pero kailangan ko pading subukan para aking malaman.

Bilang isang Advance Tier Mage ay mas malaking enerhiya ang maari kong maibigay sa oras na buksan ko ang Summoning Portal.

Ganoon pa man ay kailangan ko munang makasigurado na nasa ligtas akong lugar at walang masisira o maabalang iba.

Kaya naman agad akong nag request kay mom ng lugar na kong saan ay pwede akong mag cultivate at pumayag naman ito agad-agad.

Dinala ako ni mom sa isa sa mga kwebang nasa pamamahala ng Cruz Clan at ng makita ko ang lugar ay agad akong natuwa dahil perpekto ito sa gagawin kong plano.

"Maraming salamat mom" Sabi ko dito habang agad naman itong ngumiti sa akin.

"Kung nandito lang ang papa mo ay seguradong matutuwa siyang makita kang ganito". Sabi ni mom.

"Sige na anak aalis na ako para makapagsimula kana, mag ingat ka" Dagdag pa nito at agad na umalis sa lugar.

***

Ilang minuto ang lumipas walang kahirap-hirap akong nakagawa ng Summoning Mark sa lupa gamit ang isang stick.

Sa oras na masigurado kong walang problema sa Summoning Mark ay agad ko itong pinatakan ng aking dugo.

'Magsimula na tayo' Sabi ko.

Noong oras na dumampi ang aking dugo sa Summoning Mark ay agad na nagliwanag ito habang kinokontrol ko naman ang enerhiya sa aking katawan patungo sa nagliliwanag na Summoning Mark.

Sa isang iglap ang kaninang liwanag ay naging isang portal!

Agad akong umupo nang lotus position at nag concentrate sa summoning portal.

Summoners Path (Completed) Where stories live. Discover now