Chapter 2: Rampage

1.6K 120 8
                                    


"Tumapang ka ata ngayong gabi young master Sol".

Sabi ng isang lalaki na nasa aking harapan.

Ang lalaking ito ay anak ng isa sa mga kaaway ng Magi Clan at masasabing isa sa mga may natural na galit sa akin.

"Ano ngang pangalan mo?".

Sabi ko dito habang agad namang na ngitim ang mukha nito.

Actually kilala ko ang lalaking nasa aking harapan pero gusto kulang makita ang galit na reaksyon ng mukha nito.

"Kyle Lima ng Lima Clan". Sabi nito na may inis ang tono.

Nginitian ko ito at tumango.

"Young master Kyle patawad at nakalimutan ko ang pangalan mo, ganito talaga ako sa mga taong walang kwenta aking nakakalimutan".

Sabi ko dito habang agad na nabalot ng apoy ang buo nitong katawan.

"F**k you!". Mura nito at agad na sumugod sa akin.

"Mainit ka naman agad young master Kyle".

Sabi ko dito na may ngiti sa labi habang mabilis ko namang iniwasan ang paparating nitong atake.

"Tatanggalin ko sa bibig mo yang ngiti mo!".

Sigaw nito at isang apoy muli ang mabilis na lumipad patungo sa akin.

"Slow". Sabi ko ng makita ko ang atake nito habang agad namang nabalot ng kuryente ang aking mga paa.

Sa isang iglap ay agad akong nakapunta sa likod ni Kyle at sinipa ito sa likod ng kanyang ulo.

*Pak!*

Maririnig ang isang malakas na tunog at kasunod nito ay ang pagtilapon ng katawan ni Kyle sa isang direksyon. Makikita naman ang pagtataka sa mukha nito.

'Paanong!'

Hindi pa man ito nakakabawi sa sitwasyon ay agad ko na itong sinundan ng isa pang malakas na sipa sa tiyan dahilan para bumagsak ito at mawalan ng malay.

"Next". Sabi ko.

Sa oras na iyon ay hindi makapaniwala ang lahat ng mga tao sa lugar, sobrang bilis ng pangyayari!

Dalawang atake lang mula kay Sol ay hindi na makatayo ang young master ng Lima Clan.

Imposible!

Ito ang nasa isip ng bawat isa ganoon pa man ay tunay ang sitwasyon ngayon.

"Next".

Once na marinig ito ng lahat ay agad na bumalik sa realidad ang mga nanunood sa lugar.

"Enhancing Ability! Ang paggamit ng elemental magic sa sariling katawan para ma-enhance ang katawan!".

Sabi ng isa sa mga matatanda sa lugar habang narinig naman ito ng nakakarami.

"That's why!".

Agad na naunawaan ng lahat ang naging nangyari ganon paman ay makikita ang gulat sa mukha ng mga tao sa lugar.

Kailan pa ito kayang gawin ng young master ng Magi Clan!?

Ang nakakapagtaka pa dito ay isang Middle Tier Magic ang paggamit ng Enhancing Ability.

"Next" Muling sabi ni Sol habang agad namang may kumuha sa katawan ng ngayon ay walang malay na young master ng Lima Clan.

"Ako ang susunod".

Sabi ng isang boses at napunta ang atensyon ng lahat sa isang binatang naglalakad patungo sa battle arena.

"Si Gary Lim!".  Sigaw ng isa sa mga tao sa lugar.

Summoners Path (Completed) Where stories live. Discover now