Chapter 12

3.2K 120 1
                                    


CASSANDRA HANNALET MORRIES



Halos paliparin ko na ang sasakyan ko sa tulin ng pagpapatakbo ko dito. Mabuti na lang talaga at hindi traffic ngayon. Sinabihan ko na lang ang kambal na kumain na sila at wag akong hintayin. Alam ko namang susundin nila ko.

Balibag kong sinara ang pinto ng sasakyan ko ng makarating ako sa pupuntahan. Lakad takbo ang ginawa ko habang papasok sa loob.

Naabutan ko ang mga kaibigan kong malalalim ang iniisip.

"What happened?" bungad ko.

"Cass." Helen hugged me.

Nanlambot ang tuhod ko ng makita si Juno na umiiyak. Kitang-kita ko din mula dito sa pwesto ko ang sugat sa kamay niya. "Anong nangyari?" tanong ko pa

Helen sighed. "Nawawala si Venus." mahinang sagot niya

"Paano? Panong nawawala siya? Kailan?" sunod-sunod kong tanong

"Dalawang araw na siyang nawawala Cassandra." Thalia answered

"Dalawang araw?" gulat kong tanong. "At ngayon niyo lang sinabi sa'kin?" dagdag ko pa

"Sure ba kayong nawawala si Ven? Baka naman nag sleep-over lang sa isa sa mga kaibigan niya. Tapos na low battery siya kaya hindi nasagot sa tawag natin." Dike suggest

"Hindi.. Hindi namin matrack ang gps niya." Juno answered. "Unang gabi na wala siya, nagtext siya kay tita na sa condo ko siya matutulog. Pero hindi kami magkasama ng gabing 'yun." pagpapatuloy niya

Napatakip ako ng bibig dahil sa narinig. What the fuck is happened?

"Hanggang ngayon, hindi namin alam kung nasan siya." Saad pa niya

Napahawak ako sa noo ko. Bakit ang dami ko naman atang problema? Alam ko naman ang problema ay parte ng buhay, pero bakit parang paborito naman ata ako?

"Sino ba ang huling kasama ni Ven?" Penelope asked

Saglit natahimik ang palagid. Na tila walang katao-tao sa mansion ni Vi. Pero makalipas ang ilang segunda nagsalita din si Thalia.

"Ako." she said

Lahat kami kunot noong napatangin sa kanya. "After class, sa'kin siya sumabay pauwi. Coding daw kasi ang car niya." paliwanag niya

Nagulat pa ko ng biglang nagsalita si Athena. "Oo nga pala! Nagkahiwa-hiwalay tayong tatlo after class. May pupuntahan pa kasi ako kaya iniwan ko na sila. 'Yun ang huling beses na nakita ko si Ven." singit niya

I nodded slowly. Para kaming detective na pinagtatagpi-tagpi ang eksena. I looked Thalia, fear and sad mirrored in her face. "Then, what happened?" tanong ko

she gulped. "Habang nasa daan kami, sinabi niya nagke-crave daw siya sa kape kaya naisipan naming dumaan sa Starbucks malapit sa school." pagpapatuloy niya

She looked down. Napahinga ako ng malalim para pigilan ang luha ko. Damn! Ang sakit isipin na baka nga nakidnap ang kaibigan ko.

"When we about to enter that shop, her phone rang. Sinabi niya sa'kin na mauna na ko dahil susunod namab daw siya. Then, I leave her." mahinang saad niya "Pero naka-order na ko, wala parin siya. Kaya lumabas ako to pick her up, pero walang Venus akong nadatnan."

"Damn it Thalia! Bakit hindi mo agad kami sinabihan?!" Juno yelled

"Sasabihin ko naman dapat sa inyo! Pero nakarecieve ako ng text mula kay Venus, she said, she's already got home. Kaya hindi ko na sinabi sa inyo. Pero, hindi ko naman alam na iba pala ang nangyari!"

Drunk In LoveWhere stories live. Discover now