Chapter 20

3.1K 117 3
                                    


CASSANDRA HANNALET MORRIES




"Hi Ven." bungad ko

Pero imbes na pansinin niya ko, ni sulyap sa'kin hindi niya binigay. Nakatuon lang ang pansin niya sa tv na hindi ko mawari kung alam ba niya ang pinapanood niya. Napahinga ako ng malalim bago ilagay ang prutas na dala dito sa lamesa. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. At alam kong gagawin niya sa'kin ang ginawa niya sa pinsan niya.

Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kanya. "Kamusta ka dito?" tanong ko

But still, no response.  But I choose to smiled. Lalo pa't kailangan kong tatagan ang loob ko. "May gusto ka bang kainin? May dala akong prutas. What do you want?"

Napakagat labi ako. Sa mahigit dalawang linggo na ang lumipas, walang nagbago sa kanya. Kung meron 'man, 'yun ay ang kahit papaano hinahayaan na niya kaming makapasok sa kwarto niya. Hindi tulad noon na halos itatapak pa lang namin ang paa sa kwartong ito, pinapaalis na niya agad kami.

"Venus" Tawag pansin ko sa kanya.

Pero katulad kanina, wala parin talaga. Mapait akong napangiti. Nawala na ang dating masigla kong kaibigan. Nawala na ang palangiti at masayahing Venus.

Ano bang dapat kong gawin?

"Si Autumn... umalis na pala siya." 

Napakagat labi ako ng sa kauna-unahang beses, sinulyapan niya ko. I gulped hard. "Napagdesisyunan ng family niya na sa ibang bansa siya ipagamot." pagpapatuloy ko.

Isang beses na dinalaw namin siya, awang-awa ako sa sinapit niya. Kung gaano kadami ang sugat at pasa ni Venus sa katawan at mukha, doble ang kay Autumn. Awang-awa ako sa kalagayan nilang dalawa. Ni hindi ko maisip kung ano bang naging kasalan nila para mangyari sa kanila ang bagay na 'to.

"A-autumn" she stutterd

Nanlalaki ang matang napatingin sa kanya. "Venus."

She looked away. "Umalis kana."

I bit my lower lip and shook my head. "No, I won't leave you."

"I don't need you." she plainly said.

I felt a pang inside my chest when I heard those fucking words coming from her.

Sobrang sakit. Sobrang na marinig sa kanya ang mga salitang yun. Parang pinaparating niyang wala akong kwentang kaibigan.

"Ano bang mahirap sa salitang hindi ko kayo kailangan?" she added

I gulped hard and bit my lips. Trying not to cry. Not now, please. "Kahit ilang beses mo pa kaming ipagtulakan palayo, hinding-hindi kami susuko sayo. Halos makakadugtog na ang pusod nating magkaka-ibigan." I said, trying not to stutter

"Ayaw kong makita ang pagmumukha niyo." she looked at me. "Kinamumuhian ko kayo."

Mapait akong napangiti sa kanya. Kulang na lang nagsugat na ang labi ko sa sobrang diin ng pagkakagat ko dito para lang hindi tuluyang maiyak.

Hindi ko talaga alam kung anong kinakagalit niya sa'min gayong wala naman kaming kinalaman sa nangyari sa kanya.

Pero kahit ganun, mas pinili naming intindihin siya at damayan. Dahil kailangan niya kami.

Mabilis na nakuha ang atensiyon naming dalawa ng may kumatok sa pintuan. Pilit na ngiti ang ginawad ko sa kanilang dalawa.

"Ahm. Hi. Nagdala kami ng pagkain." maingat na bungad ni Athena.

Drunk In LoveWhere stories live. Discover now