Chapter 16

3.2K 141 8
                                    


BRIER REED PETTERSON




"Nagugutom ako. Anong masarap kainin?"

I inhaled deeply. Kanina pa siya. Napaka ingay niya talaga. "Shut up Lucas. Ang ingay mo." sagot ko

"Shut up Brier. Ang tahimik mo."

Inirapan ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ko naging kaibigan ang lalaking 'to. Sa katunayan, lahat nga ata ng estudyante sa buong Brandon ay kaibigan niya. Bukod sa friendly siya, napaka daldal pa niya. Tssk.

"Hoy Ody the great. Anong masarap kainin ngayon?" He asked again.

Ody smiled at him. "Pagkain"

I shook my head in disbelief. "Malamang pagkain! Ano kakong pagkain? Kautas ka kausap Ody ah."

"Ikaw na mag-isip Lucas. Ikaw naman kakain ee. Hindi ako." sagot naman nung isa.

"Don't disturb her. Busy 'yan kakangiti mag-isa." singit ko sa kanila.

Kanina ko pa napapansin, buong magdamag siyang nakangiti kahit na nagawa kami ng plates. Napailing ako sa loob loob ko. Ang pangit niya ma-inlove.

"Oo nga 'no. Ano bang meron kaibigan at ang saya-saya mo ata?" Lucas asked her

"Secret." nakangiting sagot ng isa.

"Secret secret ka pa diyan. Malalaman ko din 'yan kala mo."

I rolled my eyes. Gosh. Napaka isip bata talaga niya. Nakakairita ang ang boses niya. Ang sakit sakit sa tainga.

"Aalis muna ko. Nagugutom na ko ee. May papabili ba kayo?" tanong pa niya

"Wag ka ng babalik." sagot ko

He pouted. "You're so mean."

I smirked. "I know."

Nakasimangot na umalis siya sa harap ko. Napairap naman ako. That man. Tss.

"How are you Reed?" Odysseus asked me

I sighed. "Fine." I simply said.

"Lately, panay ang absent mo. May nangyayari ba sayo?"

Napahinga ako ng malalim. Tama si Odysseus, this past few days dumadalas ang pag-absent ko.

Brooklyn need me. At bilang nakakatandang kapatid niya, inaalagaan ko siya. Mahirap? Oo. Sobrang hirap. Lalo na pag makakaharap ko ang isa niyang pagkatao. Magugulat na lang ako, pagpasok ko ng room niya may nakatutok na baril sa'kin o di kaya ay kutsilyo. Nagtataka nga kami nina Mom and Dad kung saan niya nakukuha ang bagay na 'yun.

Umiling ako bilang tugon. "Walang problema." Simpleng sagot ko

Kahapon nakipag-usap kami kay Thalia. Nakiusap si mom and dad na balikan ang kapatid ko. Kahit hindi aminin ni Thalia, alam kong hindi niya gusto ang hinihiling nina Mom. Pero wala siyang nagawa kundi ang pumayag na lang. Lalo na't nalaman ng Tatay niya ang tungkol sa kapatid ko.

I took a deep breath. Napahilot pa ko sa sintido ko dahil sa stress. Lalo na ng madatnan ko si Cassandra sa Mall kasama ang kung sinong lalaki.

Damn it! Naiinis ako! Hindi! Nagseselos ako! Fuck! Sa lahat ng pwede niyang makasama, ex pa niya! Tssk!

"Are you mad?" kunot noong tanong sa'kin ni Odysseus.

Napaayos ako ng upo. "No, I'm not."

She raised her brow at me. "Really ah. Halos maputol mo na ang mech pen mo."

Mabilis na napatingin ako sa hawak kong pen. Napalunok ako ng makitang halos maputol na nga ito. Napabitaw naman ako dun. Damn it! Nakakahiya.

Drunk In LoveWhere stories live. Discover now