XVII

21 9 1
                                    

   Tayo

Agad akong natakot ng bigla siyang humawak sa suot niyang earpiece at saka may kung anong sinabi sa kausap niya. Fuck! I didn't think that they would spy me until here. Hindi na ako magugulat pa kung paglabas ko sa bahay ay may bigla ng kikidnap sa akin.

Hindi pa rin napuputol ang tingin ko sa kaniya. My body froze for while when he took out his phone. Mas lalo akong na-alarma. Damn it! Ayoko naman distorbohin si Mav dahil mukhang seryoso 'yung usapan nila.

Lumilingon-lingon ang lalaki sa paligid. He's trying to check if there's someone looking at him. Nang masiguro niyang wala ay pasimple niyang itinutok ang phone niya sa amin. He's trying to take a picture of us! Agad akong tumingin kay Mav ngunit hindi niya ito nakita dahil nakatalikod siya sa gawi ng lalake.

Mabuti nalang at heavily tinted ang sasakyan niya kaya sigurado akong hindi ako kita rito sa loob.

Maya-maya lang ay naramdaman kong pumasok na si Mav. Hindi pa rin napuputol ang tingin ko sa lalake.

"Sorry. Nagka-problema lang kasi sa kompanya pero ayos na," he said then I heard him locking his seatbelt. Nilingon ko siya.

"It's fine," I forced a smile. Biglang nagbago ang timpla ng hitsura niya.

"Are you alright? You look pale," he worriedly asked. I nodded.

"Sa init lang siguro," I said. Agad niya akong inabutan ng bottled water na siyang ininom ko rin.

Nagsimula na siyang magmaneho kaya ibinalik ko na ang tingin ko sa labas. Laking gulat ko ng wala na roon ang lalakeng nakita ko kanina.

Halos dumikit na ako sa bintana dahil  hindi ko na siya mahagilap. Tumingin ako sa likod ngunit wala rin. Sa sobrang likot ko ay nahulog 'yung mga librong kinakandong ko.

Biglang huminto si Mav at saka iginilid ang sasakyan niya.

"What's the matter?" tanong niya habang napapatingin rin sa paligid.

"Ah... wala. I thought I saw someone familiar to me," pagsisinungaling ko.

"Alright. Give me your books. Ilagay na muna natin sa likod upang hindi ka mahirapan." Agad ko namang ibinigay ito sa kaniya.

Tahimik lang ang biyahe namin. Ipinagsawalang bahala ko na muna ang nakita ko kanina. Enjoy now, worry later.

I am literally enjoying the ride because I'd never been in these places. Simula ng naging busy sina mama at papa ay hindi na kami  nakakapag-family bond na hindi tulad noon, na halos every weekend kami nag-a-out of town.

I think this roadtrip will be more fun if there's a music that pleases our ears. In-on ko ang stereo ng sasakyan ni Mav.

There's a danger in loving somebody too much.

Nawala ang ngiti sa aking mga labi.

And it's sad when you know, it's your heart you can't trust.

There's a reason why people don't stay-

Hindi ko na pinatapos pa ang kanta at agad ko na itong nilipat sa ibang channel.

Boy I missed your kisses-

Shit.

Next.

Ang halik mo... Nami-miss ko!

Fuck!

Isa nalang talaga.

Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon