XXVIII

10 3 0
                                    

  Rift

"Sorry, ang init kasi sa loob kaya lumabas muna ako para magpahangin. Ay mali. Bobo ka ba Aquesha? May aircon lahat ng private rooms kaya malamig!"

"Sorry! Boring kasi sa loob kaya lumabas muna ako sandali. Uhmm...better. Bahala na!"

I am currently rehearsing my excuse. Kinakabahan ako. I know Mav's a great guy. Hindi ko pa siya nakikitang magalit kaya wala akong planong makita pa ito. Masamang magalit 'yung mababait pero binigyan ko siya ng dahilan para magalit kaya halos manginig na ako sa kaba ngayon.

"Wahh, heto na," bulong ko ng makita kong malapit na ako sa kwarto ko. Halos matanggal na 'yung mga daliri ko dahil kanina ko pa ito hinihila.

Nasa harap na ako ng pintuan ngunit nagdadalawang-isip pa akong buksan ito. Damn Aquesha! Hindi pa naman tayo sigurado na nandito na siya. Malay mo hindi pa siya nakakarating. E 'di maganda! Pero paano kung nakarating na nga siya? Tiyak kanina pa naghahanap 'yun. Shet.

Agad kong binawi 'yung kamay kong nakahawak na sa door knob. Shit naman! Natatakot ako and at the same time nahihiya na rin. Para akong magpapaliwanag sa parents ko kung bakit late akong naka-uwi. Tama nga yata 'yung bruha. Pabigat at sakit lang ako sa ulo.

Agad akong napabaling sa pintuan ng marahas itong bumukas. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mav. Palakas ng palakas naman 'yung tibok ng puso ko. Nang makita niya ako ay agad ding lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Mukha siyang pagod.

"Ah... I... A-ano kase..." Fuck! I can't find the right words! Asan na 'yong ni-rehearse ko kanina?! Parang gusto kong sampalin 'yung sarili ko dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko.

I am waiting for him to scold and shout me. That's what I deserve. But I didn't recieve any of that. Instead, he pulled me for a hug. A tight hug.

My body froze. Holy cow. I don't know what to feel but the only thing I know, my heart started to beat wildly. Heck!

Hindi na ako nakapag-protesta pa dahil sa hindi ko ito inaasahan. The happenings was so fast! Ibang-iba sa nai-imagine ko kanina.

I felt his shoulders shaking. Don't tell me...

"W-wait. A-are you crying?" I asked. Dilat na dilat 'yung mga mata ko habang tinatanong iyon sa kaniya. I was about to break the hug so that I can see if he's really crying but he tightened his clasp on me.

Shit. Parang dinudurog 'yung puso ko sa tuwing maririnig ko 'yung mga mahihina niyang hikbi. Gosh! Nanginginig na naman ako. Kasalanan ko 'to, e. Kung sana umuwi ako ng maaga e 'di sana hindi 'to mangyayare.

"I-I'm sorry, okay? Sorry na. Gusto lang naman kitang kausapin dahil marami akong tanong sa'yo! Pero hinihila na ako ng antok kanina kaya lumabas nalang muna ako para hindi ako makatulog," Ani ko habang umiiyak na rin. I can't hold it anymore. Kapag kasi may umiiyak sa harap ko ay automatic na maiiyak na rin ako. Hindi ko naman kasi alam! Parang ang dami ko ng kasalanan. Gano'n na ba ako kasama?

"I can't lose you," he said that made me cry harder. Bahagya akong natigilan sa sinabi niya.

"A-ano ba?! I am here now! Hindi na ako mawawala," I replied. I want him to be angry at me. Gusto kong sigawan niya ako. Gusto kong sumbatan niya ako. Para naman kahit papaano mabawasan 'yung guilt na nararamdaman ko. How can he be so good to me? After all those bullshits I put up on him, hindi pa rin siya nagalit sa akin.

We are both crying right now. We stayed like this for awhile. My feelings right now is unknown. Naghahalo-halo 'yung mga emosyon at nararamdaman ko. I was overwhelmed.

It is awkward right now. I don't know how can I face him again without remembering this. I don't know that he has this side. I can't help but to think kung gano'n ba talaga ako ka importante sa kaniya para iyakan niya ako. He shouldn't be. I'm not worthy.

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon