XXXIII

13 4 0
                                    

  Back Again

My weekends became really hectic since all I did was to study. Malapit na akong bumalik sa school so I needed to double time. Plus, finals is waving at my face. My heart will start to tighten as I remember that finals is really near.

But I trust my ability. Matatapos rin 'to. Nae-excite rin naman ako kapag naiisip kong babalik na ako sa school! Finally, magkikita na naman kami ng mga bestfriends ko.

Monday came really fast. I alarmed my phone by 5 in the morning. I want everything to be polished well. Gusto ko pagpasok ko, malinis at presentable 'yung mukha ko. Halos mag-isang oras na nga ako sa banyo kakakuskos sa katawan ko. 

While I am starting to garb my uniform, I can't help but to smile. Naiisip ko palang kasi na makikita ko naman sina Kiara at Avy mamaya ay nae-excite na talaga ako. Syempre hindi ko naman makakalimutan sina Louie at Oliver since may utang daw ako sa kanila.

Sa sobrang kasabikan ko nga ay Linggo palang ng gabi ay nakahanda na lahat ng gamit ko sa school. Mula sa bag ko hanggang sa susuotin ko.

I brushed my hair then put on the barrette which was given to me by Andy. Si Stefie ang nagdala rito kahapon since wala nga siya. Peace offering niya raw saken at saka welcome home present. Tss. Kung hindi ko lang talaga siya pinsan.

Habang bumababa ako sa hagdan ay palakas ng palakas 'yung mga tinig at halakhakan. Nacu-curious ako kung sino 'yung bisita kaya mas binilisan ko 'yung paghakbang.

Wala sila sa sala kaya dumiretso ako dining.

I halted when I saw who is here. It was Mav who's sitting on my place! Si Mav na sinasandukan ni mama ng kanin. At 'yong lalake naman sarap na sarap. Sarap ring tirisin, e. Ugh! Sumasakit ulo ko.

Hindi ko alam na parte na pala siya ng pamilya namin.

Nang mapansin ako ni papa ay agad niya akong pinaypay kaya no choice ako kung hindi lumapit. Umupo nalang ako sa tabi ni mama since nauna na si Mav sa pwesto ko. Alangan namang paalisin ko e ang bastos namang tignan.

"So you're inheriting your family business?" tanong ni papa kay Mav.

"Yes po tito. Panganay ho kasi ako," nakangiting tugon ni Mav na siyang tinanguan ni papa.

"Ilan ba kayong magkakapatid?" Napabaling naman ako kay mama na ngayon ay nagsasalita na.

"Apat po kami lahat. All boys."

Akalain mo may kapatid pala 'to. Kamusta kaya parents nila? Siya pa nga lang e sakit na sa ulo. Paano pa kaya kapag dinagdagan pa ng tatlo?

"Isa nalang pala ang kulang para maging basketball team kayo," pagbibiro ni papa. Nagsitawanan naman sila samantalang ako ay napangiti lang ng konti.

"I had always encounter George, your father, on some social gatherings. He is a great business man with his marketing skills. By the way, how's your branch on Germany? There's already an article all over the internet 'bout how grossing it is for just two years!" manghang wika ni papa. I didn't bother to listen anymore since it doesn't give me a bit of interest.

Akalain mo 'yun. Kami 'yung magkaibigan pero sila 'yung nag ge-get to know each other. Ngayon ko nga lang nalaman na may kapatid pala 'to plus anak ng mayamang angkan.

Inilaan ko nalang ang atensyon ko sa pagkain since parang hangin lang naman ako dito. Nag-iisip rin ako ng paraan kung paano ako makakaalis rito! Kanina pa kaya ako tapos kumain pero patuloy ko lang na dinadagdagan 'yung pagkain ko para may dahilan pa ako para mag-stay.

Pakiramdam ko kasi ang bastos ko lang tignan kapag aalis ako.

"Siya nga pala anak. Mav offered to drive you to school back and forth. Everyday. It is nice rin since you don't need to drive and we can be assured that you're always safe and sound," biglang sabi ni papa sa akin kaya nakuha niya ang atensyon ko.

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon