LVII. TURNX

3.1K 260 281
                                    

Trigger Warning!
Inappropriate news not suitable for very young audiences. Read at your own risk.

CHAPTER 57 – TURNX

MAGWAYEN'S POV

Isang linggo na ang lumipas matapos ng aking ikalabing walong kaarawan. Pakiramdam ko'y nagbago bigla ang ihip ng hangin. Buti na lang at nakabalik na ako sa loob ng akademya.




Sa isang pitik biglang sumulpot si Azai upang humingi ng isa pang tsansa noong mga panahon kami naman ni Eion ay nagkakamabutihan na. Kung kailan naisipan kong kalimutan na siya doon naman siya dumating upang bulabugin ang tahimik kong buhay.


At ang pesteng marupok kong puso'y taos loob siyang tinaggap kahit taliwas ang sinisigaw ng aking isipan.



Narinig ko ang malakas na pagkatok sa harapan ng aking unit kaya kumaripas ako papunta doon ngunit wala ng tao nang makarating ako. Isang malaking karton ang bumungad sa akin kaya tinulak ko ito papasok ng unit ko lalo na't may nakasulat na, "Maligayang Kaarawan, Magwayen Imperio!"


Naexcite ako dahil baka isa na naman ito sa mga pakulo ni Azai o ni Eion. "Let me help you," nagulat ako ng sumulpot si Azai sa tabi ko at siya ang nagtulak nito papasok sa aking unit.





Nakasuot siya sa ng puting tshirt na may markang CHAOS at trousers na pastel blue. He looked so cute and attractive at the same time.


"Bigay mo ba ito?" tanong ko ngunit umiling siya. Sakto namang pumasok si Eion sa unit ko at may dalang mga meryenda. Naka sweatpants siya ng gray at red na damit.




Ngunit itinanggi rin niyang hindi umano niya ito regalo. Tuwang tuwa ako habang nag-uunbox nito ngunit agad na napawi ang mga ngiti sa aking labi ng tumambad sa harapan ko ang laman nito.




Isa itong refrigerator na puno puno ng yellow police tape na may nakasulat na 'crime scene' at may mga numero din dito.




0310201907292019062420190216201812162014

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




0310201907292019062420190216201812162014


"Oh fuck!"
"Damn it!"



Sabay lumabas ang mura sa bibig nila Azai at Eion.




"This must be a gift from that fucking Octavino Ly," galit na galit na usal ni Azai at napasuntok sa sofa.




Nanginig ang buong katawan ko sa takot. Agad akong napalayo sa refrigerator na iyon dahil maaring hindi ka aya-aya ang nilalaman nito.




"Do you have any clue on what this numbers are?" Eion asked matapos niyang usisahin ang ref na iyon. Hindi pa niya ito binubuksan.





Tinitignan niya kung may mga nakadikit doon na maaaring sumabog.




"Maybe a 'return to' address?" sagot ni Azai at umiling ako.

MagwayenWhere stories live. Discover now