VILLA JACINTA - II

894 53 0
                                    

Hour later...

"Hello Caz..." Bungad ni Liah.

Tinawagan nya si Jo dahil sa usapan nila tungkol kay Mam Vicky.

"O?" Tanong ni Marcus, na syang may hawak ng cp ni Jo.

"Si Jo nasan?" Kunot-noong tanong nya.

"Baket?" Tanong din nito.

"Pakausap. Bilis!" Utos nya.

"Bakit nga?" Muling tanong nito na nakapagpa-irita na sa kanya.

"Ano ba Marcus? Nang-aasar ka ba?" Pasinghal na tanong nya dito.

Pero wala syang narinig na sagot mula dito kaya muli syang nagsalita.

"Papuntahin mo na si Jo sa faculty room!"  Sabi nya tapos in-end na nya yung call.

"Bwisit!" Sambakol ang mukang sambit nya.

"Baket?" Tanong ni Borj.

"Si Marcus." Sagot nya.

"Baket? Anong ginawa nya sa'yo? Gagu yun ah. Wala ng sinasanto. Anong gusto mong gawin ko don?" Maangas na tanong nito, na para bang any moment ay manunugod at manununtok na.

"Shut up Borj. Lalo lang akong naiinis." Saway nya sa nobyo.

Ang pinaka-ayaw nya kasi sa lahat eh yung daldal ng daldal at usisa ng usisa gayung nasa bad mood pa sya.

Natameme naman si Borj.

Tikom ang kamaong nagkiskisan ang mga ipin nya sa galit.

Pero hindi sya sa nobya nanggagalaiti kundi kay Marcus.

...

Sa faculty room...

"Kaya mo na yan caz..." Sabi ni Liah kay Jo.

"Ikaw ang may kailangan, ikaw dapat ang humarap don hindi lang si Jo." Inis na sambit ni Marcus.

"Oo nga naman Liah. Hindi ko naman alam kung anong mga kulang mo kay mam. Pa'no kita tutulungan kung hindi mo ko sasamahan?" Tanong ni Jo.

Lalong nainis si Marcus.

Kanina pa kasi nya ito sinusulsulan na wag ng tulungan si Liah.

Pero naka-oo naman na daw ito kaya wala ng atrasan.

Tapos ngayon, si Liah na nga ang humihingi ng pabor, eto pa ang maarte at mayabang.

Tapos etong si Jo naman, nagpapa-under pa.

"Anak ng!" Di-mapigilang sambit nya.

"Okay fine. Tara." Mataray na sambit ni Liah sabay hawak sa kamay ni Jo.

Padaskol nya itong hinila papasok sa loob.

At dahil bawal ang masyadong maraming tao doon, naiwan si Marcus sa labas.

Kasama nito sa hallway ang iba pang barkada ni Liah.

...

Sa loob...

"Yes? Miss Jo-han-na, with the H. What can I do for you young lady?" Nakangiting tanong ni Vicky sa paborito nyang estudyante.

Abala ito sa mga kapapelan sa ibabaw ng kanyang lamesa ngayon.

Pero dahil favorite nga nito si Jo, pansamantala nitong itinigil ang ginagawa.

"Hi mam." Bati naman ni Johanna.

Pero napalis ang ngiti sa labi ni Vicky nung makita si Liah sa likuran nito.

Agad itong napasimangot.

ESMERALDA Book 3Where stories live. Discover now