#3

48 8 2
                                    

#3

I really hate mondays. Why? Kasi laging may flag ceremony. And kailangan pumasok ng mas maaga dahil kung hindi, sasaraduhan ka ng gate. Required sa school namin ang pag-attend ng flag ceremony. Masiyadong strict ang school na pinasukan ko, pero maganda naman ang quality ng pagtuturo.

Unfortunately, yung Filipino teacher namin is nagkasakit. Hindi ko alam ang sakit niya, siguro taglay na kalandian. Biro lang. Last week nagpaalam siya sa amin and may substitute teacher daw na dadating ngayon. I wonder kung anong klaseng guro ba siya.

Yung teacher kasi namin na yun is sobrang landi. Lahat ng poging estudyante tinataasan niya grade or lagi niya tinatawag sa recitation para lang mapansin siya.

And mas nakakainis is yung pagka ikli ikli niyang palda. Konting tuwad niya lang tanaw mo na ang pangit niyang panty. Yung make-up niya sobrang kapal. Yung foundation niya aakalain mong prosthetic sa sobrang kapal ng pagkakalagay niya.

Nagsi-iyakan yung mga sipsip nang magpaalam siya nakaraan. Ako naman tuwang tuwa dahil hindi ko na makikita ang literal na makapal niyang mukha.

Oo na ang sama na ng ugali ko. Nagpapakatotoo lang at iyon naman talaga ang totoo.

Matagal tagal kaming naghintay sa bago naming magiging guro. 30 minutes na ang nakalipas pero wala pa rin siya.

Maya maya pa'y bumukas na ang pintuan ng classroom namin at iniluwa nito ang isang lalaking nakasalamin. Nakasuot ito ng polo at mukhang kupas na itim na pantalon- or gray ata 'yon. Ewan mukhang kupas eh.

Malaki ang bag na dala niya. Aakalain mong may dala siyang bomba at ready siyang pasabugin ang school kapag hindi siya trinato ng maayos.

"I'm sorry I'm late. Galing pa ako sa kabilang school, nahirapan ako bumyahe dahil sa traffic." Sabi niya habang inilalapag ang mga gamit niya na hinihinala kong bomba. At sana bomba nga. Napatingin siya sa gawi ko. Ang unang gurong napatingin sa gawi ko.

"Alright. Ako si Bruce Chavvot, substitute teacher sa inyong filipino subject." Chavvot. Parang narinig ko na iyon. May katandaan na ang hitsura niya pero masasabi mong may hitsura siya at hindi ko masasabing pangit siya.

"This sounds childish but i want to hear your names. Magkakaroon tayo ng recitation every after ng lesson ko sa inyo kaya makinig kayo palagi sa ilelesson ko. But for now wala muna tayong lecture dahil nga late na ako." Seryoso niyang sabi. Filipino teacher pero panay pag-english. Buti naman hindi ka agad maglelesson. Boses mo palang inaantok na ako.

And duh, magpapakilala pa?! God.. After 4 months kailangan ko pa pagdaanan ulit ito?! I already hate him. I hate Bruce Chavvot.

Nung time ko na magpakilala, tumayo agad ako. Tumingin ako sa kanya. Parang gusto kong mautal dahil sa kaba. At para din hindi niya matandaan pangalan ko. Ayokong tinatawag ako sa recitations.

"Name's Cassidy Vergara. Age 17." At umupo akong muli. Tumango siya at sa wakas nakahings na ulit ako ng maayos.

Ngayon palang gusto ko na agad pasabugin niya ang school na ito. Hinihintay ko nalang na may bumastos sa kanya para mapindot niya na yung nakatago niyang button na magtitrigger sa bomba.

"Sana maging maayos ang ating klase bukas. Inaasahan kong maraming makikipag cooperate sa klase na ito. Maraming salamat. Hanggang sa uulitin." Tiningnan ko siya hanggang sa paglabas niya ng room. Napaka old-school ng fashion niya. Siya lang ang kakaibang uniform sa mga teacher dito sa school. Dahil nga ata sa substitute lang siya.

Nung recess na, pumunta ako sa canteen para bumili ng biscuit at juice. At oo, hindi ako matakaw sa pagkain. Hindi ako gutumin. Kumakain ako dahil ayoko sumakit ang ulo ko.

Tumambay ako sa likod ng building. May space kasi dito at walang pumupuntang tao dahil mas maganda ang mga pwesto sa campus. Umupo ako sa may hagdanan at nagsimulang kumain.

Masarap din ang hangin dito dahil tabi ng school na ito ay palayan. Maaliwalas dito, walang tao, walang maingay, walang nakakairitang mga naglalandian.

Hindi ko maiwasang hindi maisip ang bago naming guro na si Bruce Chavvot. Kakaiba ang apelido niya. Para bang narinig ko na ito kung saan man. Kaya di na ako nagdalawang isip na i-search sa google ang apelido niya.

"Sabi na eh." Bulong ko.

Galing iyon sa napanood kong anime na Death Parade. May book story sa anime na iyon na may character na nagngangalang Chavvot. Bingi ang character na ito ngunit lagi itong nakangiti.

May batang nagkagusto kay Chavvot, lagi niya itong nakakalaro. Hindi niya alam kung paano niya masasabi o maipapakita na mahal niya si Chavvot. Kaya ang payo ata ng mama niya ewan or naisip niya nalang na ngumiti. Maipapakita niya kay Chavvot ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng pag-ngiti niya.

Cheesy yung istorya pero maganda ang dating. I used to smile back then. Pero ngayon, sa laro nalang ako ngumingiti.

Alam kong isa sa dahilan kung bakit walang kumakausa sa akin dahil sa mala patay kong mata. Walang kabuhay buhay. May narinig pa nga akong tawag nila sa akin ay zombie. Pero wala akong pakeelam. Itawag nila sa akin ang gusto nilang itawag. Dahil doon mo makikita kung sino ang tunay na sila.

Sa mga group activities, nakiki cooperate naman ako pero hindi ako nakikipag socialize. Gagawin ko lang kung ano ang iuutos nila at yun na yon.

Nang mag bell na, tumayo na ako at umakyat na papasok ng building.

Nakasalubong ko pa si Bruce at tinanguan lang ako nito. Nakikita pala niya ako?

Sabagay.

Bago palang naman siya dito. Hindi niya pa nakikilala ang tunay na ako. Dadating din yung araw na hindi niya na ako mapapansin. Dadating din yung araw na hindi niya na ako makikita dahil sa lahat ng guro, ganoon ang nangyari. Para bang invisible ako sa kanila.

Pero okay lang. At least hindi ako natatawag sa mga recitation diba? Swerte na ako na ganito ako. Mas angat ako sa kanila. Mas advance ako mag-isip wahaha.

Kaaawaan ko nalang sila tuwing tatawagin sila sa mga recitation dahil sa taglay nilang kabibohan at pagpapapansin. Tse.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The PedogogueWhere stories live. Discover now