#7

35 6 1
                                    

#7

Bruce's POV:

College ako nang makilala ko Emily. Ang ina ng dalawa kong anak. Nakilala ko siya noon dahil mahilig din siya magbasa ng libro.

Isang beses nagkasabay kami ng pag-upo sa library. At simula noon, lagi na kami nagkikita sa library.

Siya ang unang nagtanong ng pangalan ko. Nakakapanibago noon dahil lagi akong binubully at wala akong kaibigan. Kahit mga teacher ay hindi ako napapansin.

Lagi na kami nagkakasabay kumain tuwimg recess. Napakabuting tao ni Emily. Kaya sa kanya ako nahulog ng tuluyan.

Pagkagraduate namin, doon na ako nagtapat ng nararamdaman ko sa kanya. Nangilid ang mga luha niya at niyakap ako. At sa unang beses, umiyak ako sa harapan niya nang sabihin niyang gusto niya din ako.

Nakahanap kami ng trabaho at planong magpatayo ng sarili naming bahay. Sa lahat ng oras lagi kaming magkasama. Parehas kami ng pinapasukang eskwelahan noon.

Lagi kami inaasar ng mga estudyante namin sa isa't isa dahil alam nilang magjowa kami.

Nagbago ang buhay ko dahil kay Emily. Kinulayan niya ang mundo ko. Siya ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang magpatuloy sa buhay. Kahit na iisa lang ang naniniwala sa akin.

Mahal na mahal ko noon si Emily.

Nakaipon kami ng pera at pinangtayo namin ito ng maliit na bahay. Humiwalay na ako sa aking mga magulang at tuluyan nang sumama kay Emily at tumira sa mumunti naming bahay.

Simpleng babae si Emily. Napakahinhin at napakaganda niya. Nagtataka ang mga tao sa amin noon kung bakit ang napakagandang si Emily, ay sa akin nagkagusto.

Natuto akong magmahal dahil kay Emily.

Tinuruan niya akong magmahal.

Lumipas ang ilang taon at nagpakasal kaming dalawa sa harap ng altar. Nandoon lahat ng pamilya ko at pamilya niya. Suportado kami ng aming mga magulang at kitang kita ko ang saya sa mata nila nang halikan ko si Emily sa harap ng altar.

Nagkaroon kami nga dalawang anak. Panganay na babae at bunsong lalaki.

Pero nang maipanganak niya ang bunso namin, nagbago na ang pakikutungo namin sa isa't isa. May kung anong humaharang sa amin. May kakaiba. Ang awkward na lagi ng atmosphere tuwing nasa loob kami kwarto para alagaan ang anak namin.

Madalang na kaming mag-usap. Alam kong may problema. Pero natatakot akong malaman ko.

Siya ang nakapagpabago ng buhay ko. Lalo nang dumating ang pinakamalaking biyaya sa amin, duon ko napagtanto na ibang iba na ang buhay ko ngayon sa dati.

Tuwing aalis ako pagpunta ng trabaho, hindi na siya humahalik sa akin. Simula nang magkaanak kami, hindi ko na siya pinagtrabaho dahil ayokong napapagod siya.

Sa tuwing uuwi ako, ang anak ko nalang ang sumasalubong sa akin. At siya, nanonood nalang ng TV or minsan nagbabasa ng libro.

Nakakuha ako ng pagkakataon upang tanungin siya kung ano ang problema.

Ngumiti lang siya sa akin. "Wala. Okay lang ako." Niyakap niya ako bago niya kargahin ang bunso namin.

Dalawang taon ang lumipas. Ganoon pa din kami. Kaya naisipan naming magdesisyon.

Ang pinakamalaking desiyon na gagawin namin sa buhay namin. Ang muling makakapagpabago sa takbo ng buhay ko.

Siyam na taon at limang taon ang mga anak namin ng maghiwalay kami ni Emily. Pareho naming tanggap ang nangyari.

Dahil kung ako tatanungin, nawala na yung espesyal na nararamdaman ko sa kanya sa nakalipas na mga taon.

Ang mga anak nalang namin ang nagsisilbing pandikit sa amin.

Pero hindi na kami masaya sa isa't isa. Nawalan na kami ng gana sa isa't isa kaya namin iyon napagdesisyunan.

Pilit naming ipaliwanag sa mga anak namin ang mga nangyayari. Wala pa silang kamuang-muang. Ang alam lang nila ay magtatrabaho lang ako sa malayo.

Hindi nila alam ang totoong nangyayari. Ayaw kong lumaki sila na ang nasa utak nila ay broken family kami. Bumalik kami sa pagiging magkaibigan ni Emily. Pero wala na yung espesyal na pagsasama. Wala nang spark.

Nawalan muli ng kulay ang buhay ko.

Nawalan muli ng liwanag ng mundo ko.

Tinanggap ko nalang ang lahat. Napagkasunduan namin na pwedeng bumisita sa aking tinutuluyan ang mga anak ko sa tuwing wala akong trabaho at ginagawa.

Ganoon pa din naman ang mga anak ko. Daddy pa din ang turing nila sa akin. Daddy pa din ang tawag nila sa akin. Lagi ko sila nilalabas kapag wala akong trabaho at tuwing walang pasok.

Lagi tinatanong ng panganay ko kung bakit hindi ako sa bahay nila tumutuloy at bakit tuwing lumalabas kami, hindi kasama ang mommy nila.

Ang palagi ko lang sinasabi ay mabuti kaming magkaibigan ng mommy nila. Pero magkaibang daan ang tinungo namin.

Hanggang ngayon, hindi pa din nila maintindihan. Napaka inosente pa ng mga anak ko. Gagawin ko ang lahat para protektahan sila at hindi maramdaman ang naranasan ko dati.

Ipaparamdam ko sa kanila ang buo kong pagmamahal hanggang sa humihinga pa ako. Ipaparanas ko sa kanila na kahit wala na kami ng mommy nila, mayroon pa rin silang matatawag na buong pamilya.

Maliit lang na apartment ang tinutuluyan ko. Dahil ako lang naman mag-isa ang nakatira dito.

Maayos ang kalagayan ko ngayon. Dahil tanggap ko na lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Dahil ganoom naman ang buhay diba? Kung hindi mo lilisanin amg nakaraan, never ka mapupunta sa kinabukasan.

Naging libangan ko ang pagbabasa at pagsusulat ng storya. Pero yung sinusulat kong storya, hindi ko matuloy tuloy. Kulang ako sa inspirasyon. Tuwing malapit na matapos ang storya ko, nawawalan na ako ng ideya kung paano ito tatapusin.

Nakatambak nalang sa kwarto ko lahat ng mga storya kong hindi tapos. Puno din ang bahay ko ng mga libro.

Naiiwasan kong mag-isip ng mga malulungkot na bagay sa tuwing nagtuturo ako sa eskwelahan at nagbabasa ng libro.

Kaya nang una kong makita si Cassidy, agad na pumasok sa isip ko na kailangan kong tulungan ang dalaga na ito.

Kahit na hindi ko maayos ang sarili kong buhay, kahit sa kanya nalang. Tutulungan ko sjya hanggang sa maramdaman niya ang tunay na kaligayahan at iwanan ang mga mapapait na karanasan.

Ayaw kong makita siyang lumalaki ng may galit at lungkot sa kanyang puso, katulad ko.

The PedogogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon