3

50.5K 1.5K 319
                                    

"ANO?! Bakit biglaan naman ata? Aalis ka na agad sa isang araw?" natatawa na lang si Summer sa reaksyon ni Elsa. Nasa batis sila, nagpapalipas ng oras, sinabi na rin niya sa mga ito ang pag-alis niya papunta sa Maynila.

Ang hindi lang niya sinabi sa mga ito ang hindi na tuluyang pagpaalis sa kanila ni Mr. Orion dito sa isla kapalit ng pagpayag niya sa maging nanny ni Comet. Ayos na isipin ng mga ito na nagbago lang ang isip ni Mr. Orion tungkol sa isla nila.

"Oo nga Summer, saka baka naman may gawing masama sa'yo yung La Croix na 'yun." sabi naman ni Kaloy.

"Hindi naman siguro, kilala ko na yung aalagaan ko. Nangako rin ako kay lola na kapag sinaktan o minaltrato ako doon, babalik agad ako dito sa isla."

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila ng mga kaibigan niya bago lumapit si Elsa sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Basta, huwag mo kakalimutan dumalaw dito. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo doon. Huwag mo rin kaming kakalimutan ha?" gumanti siya ng yakap sa kaibigan.

"Oo naman."

"P-pwede rin naman siguro kami dumalaw doon di ba?" tanong naman ni Kaloy. Nakangiting inakbayan niya ang lalaki.

"Siyempre naman." pagkatapos nila magpalipas ng oras sa batis, nagdesisyon na sila umuwi. Magdadapit-hapon na rin kasi.

Pinagmasdan niya ang papalubog na araw. Sa totoo lang kahit siya may takot sa pupuntahang estrangherong lugar. Napakaraming 'paano kung' ang pumapasok sa utak niya.

Sa TV at diyaryo lang niya nakikita ang Maynila. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para sa lola niya. Ayos na rin iyon dahil nakatulong siya sa mga ka-isla niya. Hindi na ang mga ito mamo morblema kung saan sila magsisimula ulit.

--

"APO, mag-iingat ka doon ha?" hindi mapigilang umiyak ni Summer habang nagpapaalam sa lola niya at mga kaibigan. Ngayon na ang araw ng alis niya. Pinasundo na siya ni Mr. Orion sa mga tauhan nito.

"Opo lola, kayo rin po. Elsa, Kaloy, kayo na muna ang bahala kay lola ha?" bilin niya sa mga kaibigan.

"Oo naman, basta huwag mo kami kalilimutan ha?" umiiyak din na sabi ni Elsa sa kanya. Niyakap niya ang kaibigan. Matapos magpaalam sa mga ito, sumakay na sila sa isang yate.

Dadaong daw muna iyon sa kabayanan para makapunta sila sa isang private plane na maghahatid sa kanila sa Maynila.

Nakatulog pa siya sa private plane nang makaramdam siya ng hilo.

Mahigit dalawang oras din ang naging biyahe nila bago sinabi sa kaniya na nakarating na sila sa Maynila. Pagkababa niya sa private plane, may sumundo naman sa kanyang kotse.

Halos hindi magkamayaw si Summer sa bagong tanawin na nakikita niya sa paligid. Napakaraming matataas na building at sasakyan siyang nakikita.

Namalayan na lang niya na nakarating na sila sa pupuntahan nila nang pumasok ang kotse na sinasakyan niya sa isang mataas at malawak na gate. Tumigil iyon sa isang napakalaking bahay.

May eleganteng fountain siyang nakita, may ilang puno at halaman din sa paligid na halatang alaga sa dilig at tabas.

Mas lalo siyang mamangha nang makapasok sila sa loob ng bahay. Nahihiya pa nga siyang itapak ang marumi niyang sapatos sa linis at kintab ng sahig.

May ilang mamahaling chandelier, furnitures at painting sa paligid na sa internet lang niya nakikita kapag nag rerenta sila ng computer ni Elsa sa kabayanan.

"Sa library po tayo, Miss Summer." saad sa kaniya ng isang lalaki. Nabungaran niya doon si Mr. Orion na halatang inaasahan na ang pagdating niya.

"Welcome to our house, Miss Summer. Please have a sit." inilapag nito sa harap niya ang isang folder. May nakalakip sa loob noon na ilang papeles.

Serendipity (Under Editing)Where stories live. Discover now