Prologue

19 13 1
                                    


“Ako'y nagpapasalamat dahil sa ginawa mong pagtulong sa akin iha,” usal ni manang.

Muntikan na kasi siyang masagasaan, mabuti nalang at agad ko siyang naisalba. Medyo may edad na rin siya, I think she's 70 above.

“Hindi ka ba nasaktan iha?” bakas ang pag-alala sa kaniyang boses. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Salamat sa diyos at ayos ka lang,” she sighed in relief.

“Ikaw po ba manang, ayos ka lang?”

“Ayos lang ako iha,” she smiled. “May problema ka ba iha? Parang malaking problema ang iying dinadala?”

Totoong may problema ako ngayon. My step mother treated me like a piece of shit while my two step sisters treated me like I'm their goddamn maid. Hindi ko na kaya ang masamang pakikitungo nila sa akin. Ano ba ang ginawa ko sa past life ko at pinarusahan ako ng ganito? I didn't deserve how they treated me — no one deserve to be treated like a trash.

“Maaari mabago ang iyong buhay sa isang hagis mo lang ng barya na 'to,” biglang sambit ni manang sabay abot sa akin ng barya.

“Ano po? Mababago ang buhay ko gamit niyan? Nakakatawa naman po ang biro niyo,” I laughed.

Seryoso pa ring nakatingin sa akin si manang. Nagdulot ito sa akin ng kilabot, gusto kong tumakbo pero ayaw kong maging bastos.

“Hindi ako nagbibiro iha. Tanggapin mo nalang ang alok ko. Huwag kang magtiis sa iyong mapait na buhay. Maaaring mabago ng barya na 'to ang ugali ng iyong madrasta at kaniyang mga anak kapag krus. Kapag kara naman ay mababago ang iyong buong buhay. Hindi mo na makakasama ang pamilya mo ngayon dahil mapapalitan 'to ng bago,” she explained.

“Parang hindi naman po kapaniwa-paniwala 'yan.”

“Maaari itong makatulong sa'yo iha. Gusto kitang tulungan gaya ng pagtulong mo sa akin.”

Hindi ko maiitatangging, may parte sa akin na gustong sumubok. Kahit nakakabaliw isipin ang sinabi ni manang, kinuha ko pa rin ang barya. My eyes swollen in amaze because when I got the coin, people suddenly froze. It's only me and manang who didn't freeze. What kind of crazy thing is this?

“Ano po ba ang nangyari sa kanila?” I asked out of curiosity.

“Pinahinto ko sila upang hindi nila makita ang ating ginagawa. Kagaya mo, magbabago rin ang takbo ng buhay ng mga taong 'yan. Hindi nila maaalala kung ano ang kanilang buhay ngayon. Kapag krus, magkaroon sila ng bagong pamilya at kapag kara naman ay magbabago ang pakikitungo ng kanilang pamilya sa kanila. Sa'yo nakasalalay ang kanilang magiging buhay.”

Ang creepy! Pero gusto kong mabago ang buhay ko. Akmang ihahagis ko na sana ang barya pero pinigilan ako ni manang.

”Tandaan, panandalian lamang ang lahat.”

~•~

Thank you for reading :>

His Ephemeral LoveWhere stories live. Discover now