1

19 16 0
                                    

"DAMN YOU, ZHYPYRINE!"

Nabitawan ko ang walis nang sumigaw ang step sister ko na si Chiara. Plano ko sanang puntahan siya pero siya na mismo ang pumunta sa gawi ko.

"Bakit?" tanong ko't kinuha ang walis.

"Anong bakit? Stupid! You didn't prepare foods for us!" maarteng sagot niya habang pinag cross ang mga braso.

"I don't know how to cook." sambit ko habang nagwawalis pa rin sa living room.

Totoo naman talagang hindi ako marunong mag luto. Lumaki akong nakadepende lamang sa mga maids. I have a beautiful life that everyone wishes for,not until my mother left us. Namatay ang mommy ko dahil sa sakit na cancer kaya naghanap ng ibang mapapangasawa si daddy upang may mag-aalaga sa akin. Maganda naman ang pakikitungo ng step mother at step sisters ko sa akin pero nong namatay si daddy ay biglang nag-iba.

"Stop giving me a stupid reason, gormless!" sigaw niya mismo sa pagmumukha ko.

"Pwede namang sa mga maids mo 'yan ipagawa."

Tinalikuran ko na siya at akmang maglalakad na sana pero bigla niyang hinablot ang buhok ko.

"You bitch! Can't you understand? I want you to cook for me!" may diin na sabi niya.

I can't endure the pain while she's pulling my hair so hard. Marahas kong tinanggal ang kaniyang kamay at sinampal siya. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha pero agad 'yong napalitan ng galit, sobrang galit.

"How dare you?!" she pulled my hair again and I also did the same.

"Wala kang karapatang saktan ako!" madiin na sabi ko habang sinasabunutan pa rin siya.

"I have rights , because i'm your step sister!" hinigpitan niya ang pagsabunot sa buhok ko.

"ANONG NANGYAYARI RITO?!"

Sabay naming binitawan ang kaniya-kaniyang buhok nang dumating si Zelda, siya ang madrasta ko. Simula nong nasaksak si daddy at namatay ay ayaw na niyang tawagin ko siyang mommy. Kasama niya ang isang demonyita niya pang anak na halos ka edad ko lang.

"Hay nako mommy, nagtanong ka pa e halata namang sinasaktan niya si ate." umirap si Ariane sa akin.

"Walang hiya ka talagang babae ka! Wala pang isang buwan simula nong namatay ang ama mo, dumagdag ka pa sa sakit ng ulo!" bulyaw sa akin ni Zelda.

"Sabi ko naman na lalayas na lang ako diba? Ipapaubaya ko na sa inyo ang mansion na pinaghirapan ng pamilya namin basta hayaan niyo nalang akong lumayas. Pero anong ginawa niyo? Kinulong niyo ako at ginawang maid!" umiyak ako nang maalala kung paano nila ako tratuhin.

Tumawa silang tatlo na parang bang nagpapatawa ako.

"Wala kaming oras diyan sa pagdra-drama mo. Kapag lumayas ka rito, paano namin makukuha ang kayamanang ibinigay sa 'yo ng mga yumaon mong mga magulang? Stupida!"

Parang dinurog ang puso ko dahil sa sinabi ni Zelda. Wala talaga silang ibang minimithi kundi ang yumaman. They always wanted wealth, while me, I just want to bring back my parents but it's next to impossible.

"Maglinis ka ng buong mansion dahil may dadating tayong bisita," utos sa akin ni Zelda.

Sinampal ako ni Chiara at ngumisi. Sasampalin ko na sana siya pabalik pero agad na hinawakan ni Ariane ang pulsuhan ko.

"Huwag mong padapuin ang palad mo sa mukha ni ate dahil mahal ang beauty products na gamit niya," she giggled and released my hand.

"Shut up Ariane! I didn't use beauty products and this beauty I have is natural!" pagmamayabang ni Chiara. "And you, my stupid step sister. Make sure to clean the surroundings, if you don't want to be punished ."

His Ephemeral LoveWhere stories live. Discover now