04

80 86 19
                                    

┏━━━✦❘༻༺❘✦━━━┓
Elianna
┗━━━✦❘༻༺❘✦━━━┛

Inaasar lang niya ba ako o totoo yung sinabi niya?

Naglakad na'ko papunta sa direksyon ni lola para ibigay ang mga pinamili ko sakanya

"Lola ito na po, kain po muna kayo" umupo ako sa tabi niya at binigay ang ready to eat meal, may isang piraso ng chicken at pansit na may kanin.

"Salamat ineng, napaka ganda ng puso mo, gabayan ka ng diyos" ang saya ko kapag naririnig ko ang mga 'yan, lalo na kapag nakangiti na sila sakin, ang liit na bagay lang non para sakin pero alam kong malaking bagay na yon para sakanila.

Binigyan ko lang si lola ng matamis na ngiti at hinayaan ko nalang siyang kumain

Pagkatapos niyang kumain binigay ko na sakanya ang eco bag

"Lola may gamot po jan kapag po may lagnat kayo o sumasakit ang ulo o sinisipon, may vitamin din po para sa inyo para kahit papa ano may lakas po kayo, uminom po kayo ng maraming tubig lagi."

"Ineng sobrang sobra na itong ginawa mo pero tatanggapin ko ng buong puso dahil hindi naman lahat ng tao katulad mo."

"Sana nga po lagi kitang makita para matulungan po kita kahit papaano"

Ngumiti siya saken na parang hindi niya alam anong sasabihin niya

"Boyfriend mo ba iyon kanina?"

Mukhang gusto kong masamid sa sinabi ni lola kahit wala naman akong iniinom

"A-ah hindi po, k-kaibigan po" bat ba ako nauutal?

Kaibigan ko ba yon?

"Sayang naman bagay kayo, hindi pa naman ako nakapag pasalamat"

Ngumiti nalang ako sakanya bilang sagot "Ipaparating ko po"

"Ako nga pala si Elena ineng, Anong pangalan mo?

"Eli po"

"Oh pano ba Eli, umuwi kana, mag gagabi na"

"Sige po, ingat po kayo lagi,"

Ngumiti lang siya at naglakad na'ko papasok sa condo

Dumeretso na'ko sa shower dahil kanina pako naka dress feeling ko ang lagkit ko na

Nag aral lang ako ulit dahil may quiz na naman kame bukas

Bago ako matulog nagisip isip pako kung i tetext ko ba si pogi, pero wag nalang, sinave ko nalang ang number niya sa phone ko at pogi ang nilagay ko

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakatulog na ako.

"ELIIIIIIIII, thankyou for bringing me home last night, last night ba 'yon? hayaan mo kapag ikaw malasing iuuwi din kita, sa heaven!" Sigaw ni Meira mula sa malayo ng matanaw niya ako sa table ng cafeteria,

"Gaga" bulong ko na patawa

Magkasama kame ni Meira ngayon sa cafeteria, lunch break na namin at wala kameng ganang lumabas pa ng campus para mag lunch.

Bring Me The NightWhere stories live. Discover now