16

56 68 5
                                    

┏━━━✦❘༻༺❘✦━━━┓
Asteria
┗━━━✦❘༻༺❘✦━━━┛

I spend weeks at Arawn's condo until I decided to go home because we're planning something special for Arawn's birthday it'll be 2weeks from now.

His friends decided to throw a party at his place, It's not going to be a surprise party because Arawn is helping them organise it. I saw Meira and Hadey at the kitchen so I decided to ask them,

"Hey.. Ano kayang magandang regalo para kay Arawn?" Napalingon naman sila sa'kin, sumandal ako sa dining table at naghintay sa sasagutin nila

"Katawan" seryosong sagot ni Hadey kaya nanlaki agad ang mata ko, kunwaring hindi pa nagalaw

"Seryoso kasi" umakto namang nagiisip si Meira ng isasagot

"Car" sagot ni Meira

"Mahal" ang yaman niya, kailangan niya pa ba ng kotse

"Phone"

"May phone naman siya eh" sagot ko ulit, umiling lang si Hadey dahil sa sagutan namin ni Meira

"Books"

"Ang dami niyang books sa condo niya" sumimangot nalang ako dahil wala na talaga akong maisip

"Watch" suggest ulit ni Meira

"Hindi daw siya mahilig don" naalala ko nalang ng mapansin kong wala siyang kahit ni isang relo, sa cellphone lang niya kahit calendar wala siya sa condo niya ang weird.

"Clothes"

"Binibigay niya lang yung mga damit niya kasi tamad siyang mag laba" hindi talaga puedeng damit kasi nung inopen ko ang closet niya konti lang ang laman dahil tinatamad siyang mag laba

Kumuha ako ng isang baso ng tubig at ininom 'yon napapagod na din akong magisip

"Tangina condom nalang" Lumingon naman agad ako kay Meira ng sabihin niya 'yon
Tumawa sila ni Hadey dahil muntik na'kong masamid sa iniinom kong tubig.

"Umayos nga kayo" I said while pouting, wag nalang kaya

"Para naman sainyo 'yon" pagpapatuloy ni Meira kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Kinabukasan dumeretso kami sa mall ni Aki, bibili daw siya ng gift for Arawn.
Pumasok kami sa store ng mga sapatos dahil 'yon ang naisip niyang iregalo. Buti pa siya

Umupo lang ako sa couch at hinayaan siyang mamili, humingi pa siya ng shoe size ni Arawn, kaya paniguradong alam na niya ang bibilhin ni Aki

Nakapili na si Aki ng shoes at pinakita sakin, maganda naman ang napili niya at mukhang bagay kay Arawn dahil mahilig siyang mag short, nag bayad na kami at lumabas na, kumain muna kami sa fastfood chain pagkatapos non lumabas na kami ng mall, Nakita ko si Skye sa parking lot, kaya lumapit muna ako sakanya, nabigla naman siya ng makita ako. May binulong ako sakanya kaya kumunot bigla ang noo niya, saka tumawa.

"Sige, ibibili kita. Suerte ka mahal kita, sobrang nakakahiya yung ipapagawa mo hayop ka" tinapik niya ako sa braso at naglakad na palayo

Nagdrive nalang ako pauwi ng condo. Pumasok na si Aki sa kwarto niya kaya pumasok na din ako, wala na akong masyadong gagawin busy rin sina Arawn at ang mga kaibigan niya kasama si Azy sa pag aayos ng party, wala namang inimbita ang mga kaibigan niya at si Arawn, siguro kami kami lang ulit.

Bring Me The NightDonde viven las historias. Descúbrelo ahora