Chapter 2

30 4 0
                                    

Nagising ako sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko tinignan ko ito para malaman kung sino ang nambubulabog sa ganitong oras. nakita ko na tumatawag si brandon agad ko naman itong sinagot. "ano ba? aga aga nambubulabog ka eh" papikit pikit ko pang sinagot

"anong maaga ka diyan? mag a-alas dies na tulog kapa?" naririnig ko ang mga boses ng mga kaklase ko. aga naman ata nila para pumasok? mamaya pang ala una ang pasok ha? "aga nyo naman ata pumasok anong meron?" nagtataka kong tanong "anak ng kamote alas dies ang pasok natin ngayon hindi mo ba alam? ten minutes nalang parating na si sir paano na presentation natin?" biglang nawala ang antok ko at napabangon agad "ano?! eh bakit ang sabi sakin ni lorraine ala una pa ang pasok?" tumayo na ako at sinimulan ng kumilos para makaligo ng mabilis. bat ba nangyayari sa akin to bakit sinabi sa akin ni lorraine ala una pa ang pasok. sinadya niya ba iyon?


"ay letche talaga, bwisit!!" sinuot ko na ang black shoes ko at kumaripas na ng takbo. isang minuto lang ata ako sa banyo at hindi na rin ako kumain wala na kong pake kung wala akong kain na pagpasok ang mahalaga makarating ako ng sakto sa time ni sir. mas binilisan ko pa ang takbo para makarating ako agad. 

lumipas na ang sampung minuto at sa wakas nakarating na din ako sa harap ng classroom iyon nga lang late na ako. hinihingal pa ako tumigil sa pinto ng classroom namin medyo kinakabahan ako dahil baka mabawasan ng puntos ang grupo namin. huminga muna ako ng malalim at binuksan ko na ang pintuan bumungad sa akin sila brandon at lilly na parang nagpapanggap na masakit ang tiyan at nagmamakaawa kay sir

 papasok na sana ako ng makita ako ni sir "you are late ms. torres" i bit my lower lip. pinagalitan niya ako pero buti nalang hindi niya binawasan ang puntos ng grupo namin. pinasalamatan ko sila brandon at lilly dahil sa ginawa nila. palagi nalang nila ako nililigtas sa ganitong sitwasyon kaya medyo nahihiya na rin ako sakanila.

 "ano bang problema nung lorraine na iyon at sinabi niya saiyo na ala una pa ang pasok? walanghiya iyon ha" sabi ni lilly na halatang naiirita na dahil sa ginawa ni lorraine.

 tinignan ko si lorraine at nakita ko siyang naka pulupot na naman ang mga kamay niya sa braso ni blake. pero binabalewa lang iyon ni blake at hinahayaan lang siya. nagsimula na ang pag present ng group one at iyon ay ang grupo nila blake

habang nagsasalita na siya hindi ko napigilan na pagmasdan siya makikita mo talaga sakaniya ang determinasyon sa pag aaral pero hindi ko din naman mapagkakaila na guwapo din siya kahit papano pero yung personality niya ang hindi ko maintindihan

after niya magexplain about sa topic nila si lorraine naman ang  ngayon na nagsasalita sa una medyo nauutal siya sa mga sinasabi niya pero  lumapit sakaniya si blake at may sinabi siya na nagpakalma kay lorraine. hindi na nga siya nauutal pero ang mata niya ay masyado ng nakatingin sa hawak niyang papel kaya siguro hindi niya inaral or binasa ang part niya. napansin naman iyon ng adviser namin 

"ms. fernandez binasa mo ba ang papel mo? o ikaw ba talaga ang gumawa niyan?" tanong ni sir kay lorraine at medyo may bahid ng inis ang pagkakasabi niya. yumuko si lorraine at hindi niya na naipagpatuloy ang pagsasalita dahil minus-san na sila ni sir

natapos na ang group two kaya kami na ang sunod. binigay ko ang kopya ng papel namin kay sir at sinimulan ko na iexplain ang topic namin habang nagsasalita ako medyo naiilang ako dahil sa titig ni blake ni hindi man lang siya kumukurap o gumagalaw habang nakatitig sa akin kaya binabaling ko na lang sa iba ang ang mata ko. nang natapos na ang part ko umatras na ako at nagsasalita naman ngayon ang isa kong ka miyembro sa grupo tinignan ko ang mga kaklase ko at napunta na naman ang tingin ko sa puwesto nila blake at iyon na naman ang mga mata niyang parang may malalim na iniisip na nakatitig sa akin

buong tapang ko siyang tinitigan pabalik nakita naman iyon ni lorraine kaya tinaasan niya ako ng kilay pero hindi ako nagpatinag tinaasan ko din siya ng kilay at binaling ko na ang mata ko sa mga mata ni blake. ilang minuto ang lumipas ay siya din ang sumuko

Suspicious LoveWhere stories live. Discover now