"Huh?" i don't know what to say. parang hindi tinatanggap ng utak ko ang mga sinabi niya. sa sobrang pagkataranta ko hinawi ko ang braso ko na hawak pa rin niya
"papasok na ako, thanks for walking me home" i said at dali daling pumasok sa apartment ko
the moment i closed the door doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. hinawakan ko ang puso kong malakas ang kabog. this is the first time na may nag-aya sa akin ng ganoon at hindi ko alam kung paano ako sasagot sa ganoong tanong
"this is insane....this is truly insane" nagpaikot ikot ako sa kuwarto ko habang hinihilot ang sentido ko
gusto kong sabihin kila lilly ang nangyari pero iniisip ko na baka kumalat lang. ayoko din maging laman ng chismisan at baka magalit pa sa akin si blake. kaya mas mabuti na lang na kami lang ang nakakaalam. pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo na kinabukasan malamang sobrang awkward kapag nagkita kami. nilibang ko nalang ang sarili ko para hindi na ako makapag isip isip sa mga nangyayari
mabuti nalang at naging maayos naman ang tulog ko at nagising sa tamang oras. sakto din ako nakarating sa school pag bukas ko ng pintuan ng classroom inaasahan ko na nakaupo si blake sa puwesto ko pero laking gulat ko ng makita ko siya sa dati niyang puwesto at kausap ang mga kaibigan niya
habang naglalakad ako sa puwesto ang mata ko ay nanatili pa rin kay blake. why is he doing this to me?
"uy hanap ka niyan kahapon ni blake" kalabit sa akin ni brandon habang ang nguso ay na kay blake. tinignan ko ulit si blake na nakangiti na habang may kinukuwento ang mga kaibigan niya sakaniya
dapat nga ay matuwa ako dahil mukhang hindi na niya ako guguluhin pa. right this is good. i should be happy about this
natapos ang klase ni sir at mabuti nalang ay wala siyang iniwan na homeworks o ano basta lang daw maghanda kami doon sa presentation namin. bigla ko ulit naalala iyon dapat magawa na namin lalo na at kagrupo ko pa sila archie
"venice, puwede mo ba akong bilhan ng frappe sa canteen, dami ko kasing ginagawa e hindi ko puwedeng iwan to, please?" sabi ni lilly. sakaniya kasi pinagawa lahat ng kakailanganin nila sa presentation e paano kasi siya lang ata nageeffort para sa presentation nila kaya ayan siya na rin ang gumawa ng mga trabaho ng ka members niya poor lilly
break time naman kaya pumayag na ako atsaka bibili na rin ako ng snacks para may makain naman ako papaano
i bought one strawberry frappuccino and i also bought some snacks for me. after kong bumili nakita ko si blake na papunta sa puwesto ko. nakita niya ako pero nilampasan niya lang ako at bumili din ng frappe. i guess baka nagbago na ang isip niya at huwag na ako ayain buti naman at naisip niya iyon. hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad paglabas ko ng canteen nakita ko si lorraine na naka crossed arms at may parang inaabangan
lalampasan ko na sana siya nang nagsalita siya "i already told you, huwag kang pakampante i guess you assumed that he have a feelings for you because he treats you like that, you know he treats women like that... don't be full of yourself" she said while smirking. i just ignored what she said i'm about to walk away from her when blake called me
"venice!" he's now smiling at me. i looked at him in confusion. why is he acting like this?
he's holding a two pieces of frappe. binibigay niya ang isa sa akin pero ang mata ko nanatili lang sa mukha niya. parang kanina lang hindi niya ako pinapansin tapos ngayon? what is this?
kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang isang frappe. once again he smiled at me and left with lorraine
nakarating ako sa classroom na tulala pa rin hanggang sa nagsimula ang klase ay tulala pa rin ako at minsan tumitingin ako sa puwesto ni blake
YOU ARE READING
Suspicious Love
Romance"there's something strange about him that i can't explain, sometimes i can understand him but most of the time i can't, who exactly are you?"