Chapter 3

29 2 0
                                    

Teka ano daw? tama ba ang narinig ko? niyayaya niya ako kumain. ano ba ang nakain nito at ganito ang mga pinagsasabi nito "huh? now na? teka kailangan ko ng umalis" medyo natataranta kong sabi. nangako na ako na hindi na ako maiinvolve dito sa lalaking to

hindi niya ako pinakinggan at hinila na niya ako papuntang canteen. habang naglalakad kami pinagtitingnan kami ng mga estudyante

nang nakapasok kami sa canteen naghanap siya ng bakanteng upuan at doon kami naupo"hindi pa ako pumapayag sa gusto mo hinila mo na agad ako" sabi ko at inayos ayos pa ang buhok kong nagulo. "ikaw na ang bumili" sabi niya. kapal naman ng mukha nito

tumayo na ako para bumili. sandwich lang ang binili ko dahil para mabilis kainin bumili na rin ako ng tubig para sa aming dalawa. sinadya kong sandwich lang ang binili ko dahil hindi ko kaya magtagal kasama si blake 

"oh sandwich lang kaya ko" nilapag ko ang pagkain sa harap niya at naupo na sa puwesto ko. akala ko magrereklamo siya dahil sandwich lang ang binili ko pero nagkamali ako. nakangiti niyang kinain ang pagkain. ano ba ang problema nito sa akin? may kailangan ba siya kaya ganito nalang siya kung umasta sa akin?

hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil sa pinapakita niyang kilos. kinain ko na ang sandwich ko at nagtingin tingin sa paligid. nakita ko naman si lorraine at ang mga kaibigan niya na matalim ang tingin sa akin. malamang naiinis siya dahil kasama ko si blake pero ano ang magagawa ko siya naman ang lumapit sa akin

"may boyfriend ka na ba?" nasamid ako dahil sa tanong ni blake

"are you alright?" tanong niya na may pagaalala sa mukha

"yeah nasamid lang ako" sabi ko habang binubuksan ang bottled water. ininom ko ang tubig tsaka siya tinignan ng diretso. normal lang naman magtanong ng ganyan ang isang lalaki sa babae diba

"wala pa, NBSB ako" inubos ko na ang natitirang sandwich at tummayo na

"aalis na ako, may kailangan pa akong asikasuhin paguwi" sabi ko at naglakad na palabas ng canteen. akala ko makakatakas na ako sakanya pero bigo ako dahil sinundan niya ako 

"hatid na kita" hinahabol na niya ako ngayon dahil mas mabilis na ang paglakad ko

"ay naku hindi na malapit lang dito ang bahay ko, hindi na kailangan hehe" kulang nalang ay itakbo ko na ang daan palabas ng school. bakit ba sunod ng sunod tong lalaking ito?

hindi niya ako pinakinggan at tuloy pa rin ang pagsunod niya sa akin. tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. kung kailan nangako na ako na hindi na ako maiinvolve dito tsaka naman siya dikit ng dikit sa akin. hindi rin naman niya ako pinapakinggan kaya hinayaan ko nalang siya na ihatid ako baka bukas hindi na siya ganito at bumalik na siya sa dati niyang ugali

hinatid niya nga ako pero ni isa sa amin ay walang imik kaya ako na ang unang bumasag sa katahimikan "sige okay na ako dito puwede kana umuwi" sabi ko tinignan ko lang siya at tinuloy ko na ang paglalakad. tumalikod ako para tignan ko sumusunod pa rin siya sa akin pero nanatili lang siya doon sa puwesto niya at tinitignan ako

naglakad na ulit ako. ang utak ko ay parang lumulutang medyo napagod din ako sa araw na ito kaya pagod akong lumakad lakad. nagulat naman ako ng may biglang humila ng bag ko sasapakin ko na sana ito ng nakita ko si ivan pala iyon

kinuha niya ang back pack ko at sinuot sa harap niya. hindi ko nalang siya pinansin at nakabusangot na nagpatuloy sa paglalakad. dami na nga ako iniisip dumadagdag pa itong si blake 

may kinuha si ivan sa bag ko at tinapat sa ulo ko. isang powerbank "para saan naman ito?" tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya. seryoso siyang nakatingin sa akin

Suspicious LoveWhere stories live. Discover now