Chapter 28

901 59 25
                                    

VICE'S POV

Bakit?

Hindi ko na alam kung pang-ilang beses nang sumagi sa isipan ko ang katanungang 'yan. Napakaraming tanong ang gumugulo sa isipan ko ngayon pero iisa lamang ang paulit-ulit. Bakit? Bakit nagkaganito? Bakit kami humantong sa ganitong sitwasyon? Bakit nangyayari ito? Bakit nasasaktan ako ngayon?

Hindi ko alam.

Hindi ko alam ang sagot dahil tanging siya lamang ang makakapagsabi sa 'kin nito. Siya lamang.

Parang ilang libong karayom ang nakatusok sa puso ko ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pero kahit na ganun, may parte pa rin sa 'kin na nagnanais na pakinggan ang side niya. Gusto kong marinig ang paliwanag niya. Ganun naman diba? Lahat ng bagay may paliwanag. Lahat ng bagay may eksplanasyon at umaasa akong may magandang rason siya kung bakit niya ginawa yun. Kasi kung tama ang sinasabi ng isipan ko, baka hindi ko kayanin.

Baka sumuko na lang ako bigla.

Bakit ba kasi sila magkasama? Bakit sila nagkita? Ngayon lang ba nangyari 'to o sadyang wala lang talaga akong alam na matagal na silang palihim na nagkikita?

Bigla kong naalala ang araw na nakita namin sila sa isang resto sa mall na pinuntahan namin. Sandra said that they were discussing something about business. Naniwala ako. Wala naman kasi akong nakikitang masama doon. Pero hindi ako sigurado kung negosyo nga ang pinag-uusapan nila but I still accepted their reason. May tiwala kasi ako kay Ion.

Pero ngayon, ano naman ang rason nila? Masyado bang importante yun na kailangan pa nilang magkita sa ganitong oras? Anong dahilan? Bakit sa dinarami-rami ng pagkakataon, ngayon pa nangyari 'to kung kailan anniversary namin?

Dapat masaya kami ngayon e. Dapat kami ang magkasama ngayon at hindi sila. Dapat masaya naming pinagsasaluhan ang mga pagkaing niluto ko. Dapat pareho kaming may ngiti sa mukha ngayon habang nakatingin sa isa't isa at mayamaya ay magtatawanan. Dapat ganoon.

Mapait akong napangiti.

Ngunit sa hindi inaasahan, naging ganito ang kinalabasan. Ang mga ngiti ay napalitan ng hikbi. Ang saya ay biglang nawala na parang bula at ang tanging nanatili ay sakit at kalungkutan.

Anniversary naman namin e, hindi ba pwedeng maging masaya?

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang oras.

10:47 PM

Malapit na palang mag-alas-onse ng gabi pero hindi pa ako kumakain. Hindi ko na rin naman naramdaman ang gutom. Natabunan na ng sakit ang gutom na nararamdaman ko kanina.

Pinatay ko ang TV at tumayo. Saktong paglingon ko sa may pintuan ay siya ring pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Ion. Nang magtama ang mga mata namin, pinigilan ko ang sarili na maiyak sa harapan niya.

Wag muna.

Nakangiti siyang naglakad palapit sa akin tiyaka dinampian ng halik ang labi ko. Totoo pa ba ang halik na 'yan? May halo pa bang pagmamahal 'yan?

"Bakit ngayon ka lang?" I asked, trying hard to sound normal. Please, sabihin mo yung totoo.

"Natagalan kasi sa pagsasara yung resto." Sinungaling! Bakit hindi niya sabihin ang totoo? Mayroon ba talaga silang itinatago?

Bumibigat na ang bawat paghinga ko ngunit pinipilit kong umaktong normal sa harap niya. Ayokong magmukhang kaawa-awa. Pero alam ko, hindi rin magtatagal, bibigay na ko.

Hindi na ako nagsalita pa. Pumunta siya sa kusina at sumunod ako. Nagulat siya nang makita ang mga putaheng niluto ko na nakapatong sa mesa.

"Anong meron? Bakit ang daming pagkain?"

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDWhere stories live. Discover now