Chapter 29

827 42 4
                                    

VICE'S POV

Agad akong pumara ng taxi pagkalabas ko. Mabuti na lang at nadampot ko yung wallet at cellphone ko bago ako tuluyang lumabas.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Gusto kong mapag-isa at magpakalayo-layo ngunit malalim na ang gabi at masyadong delikado kung pupunta pa ako sa kung saan-saan. Ayoko namang pumunta sa mga kaibigan ko dahil ayoko silang abalahin at ayoko ring maging abala sa kanila.

Saan na ako pupunta nito?

"Ma'am, saan po tayo?" tanong ng driver nang medyo makalayo-layo na kami.

Anong sasabihin ko?

"Sa bahay namin." Dahil sa pagkataranta, biglang yun ang lumabas sa bibig ko.

Tama. Mas makakabuti siguro kung sa bahay na lang ako pupunta. At least walang mangyayaring masama sa 'kin doon at wala ring iistorbo sa 'kin. Bakit ba hindi ko 'yon naisip kanina? Masyado yata akong nasaktan to the point na hindi na ako nakakapag-isip ng maayos.

Ibinaling ko sa labas ng bintana ang paningin ko at itinuon doon ang atensiyon.

"Saan po, Maam?" rinig kong tanong ulit ni Manong.

"Sa bahay nga po namin." Bingi ba siya? Ang linaw ng pagkakasabi ko kanina tapos magtatanong ulit.

"E hindi ko naman po kasi alam kung saan yung bahay niyo." may halong inis at pagkairita na sabi ni Manong. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa nangyari. Masyado yata akong naging lutang.

Sobrang shunga, Vice!

"Sorry po." paghingi ko ng paumanhin. Sinabi ko na kay Manong ang address ng bahay namin at pagkatapos ay tumahimik na ulit.

Kamusta na kaya siya?

Napapikit ako ng mariin nang pumasok sa isipan ko ang katanungang 'yon. Bakit ba ako ganito? Ako na nga itong nasasaktan pero siya pa rin ang iniisip ko.

Pero nasasaktan rin naman siya ngayon.

Alam ko. Pero hindi naman ito mangyayari sa 'min kung sinabi niya sa 'kin ang totoo. Hindi sana ito mangyayari kung naging tapat siya sa 'kin.

Bumuntong-hininga ako tiyaka dumilat.

Pinilit kong inalis sa isipan ko ang mga imahe sa pangyayari kanina. Baka umiyak na naman ako pag patuloy kong maiisip ang itsura niya kaninang nasasaktan. Ayokong umiyak dito.

Ibinaling ko na lang ulit sa labas ang paningin ko. Kahit malalim na ang gabi, marami pa rin ang mga tao sa labas. Bahagya kong ipinikit ang mga mata ko at sumandal sa upuan.

Nakakapagod.

Bigla akong napamulat nang maramdamang huminto ang sasakyan. Tumingin ako sa labas. Wala pa kami sa village namin at nasa gitna pa ng kalsada. Napatingin ako sa may traffic light, hindi naman kulay green. Anong nangyayari?

"Manong, bakit tayo nakahinto?"

"May naaksidente raw po." Napatingin naman ako sa harapan at nakita ang sasakyan sa harapan namin na nakahinto rin. Ang malas ko naman. Bakit ngayon pa 'to nangyari? Gusto ko ng magpahinga pero baka matagalan pa bago ako makauwi.

Sumandal na lang ulit ako at pumikit.

"Ma'am, okay lang po ba kung magpa-music tayo?" rinig kong tanong ni Manong.

"Sige lang po." nakapikit kong sagot.

Mayamaya lang ay narinig ko ng binuksan niya ang radyo ng taxi.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDWhere stories live. Discover now