Epilogue

927 48 5
                                    

VICE'S POV

Maraming mga pagsubok ang dumating sa buhay namin. Maraming mga unos ang sumubok sa tibay ng pagmamahalan naming dalawa. Ngunit lahat ng ito ay matagumpay naming nalampasan.

Hindi naging madali para sa 'min ang makamit ang kasiyahang natatamasa namin ngayon. Maraming mga naging balakid. Pero ang mga balakid na 'yon ang nagsilbing pundasyon para maging matibay ang samahan at pagmamahalan namin.

At ngayon, nakamit na namin ang kasiyahang matagal na naming nais makamtan. Nakamtan na namin ang mapayapa at masayang buhay na pinapangarap naming dalawa.

Together with our children, Alexandria and Cullen, we will continue our life. Ipagpapatuloy namin ang magandang buhay na bunga ng pag-iibigan namin ni Ion.

Wala na akong mahihiling pa. Kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Simple, payapa, masaya, at puno ng pagmamahal.

Hindi kami perpektong pamilya. Hindi kami ang tipikal na pamilyang makikita mo sa bawat tahanan. Pero sa bagay na 'yan, wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay masaya kami.

Wala na akong hihilingin pang iba. Sila lang, sapat na.

At ikaw na naging saksi sa buhay ko, sa buhay namin, maraming salamat sa 'yo. Alam ko na sa tamang pagkakataon, makakamit mo rin ang kaligayahang nararapat para sa 'yo. Just keep on holding on and never ever give up, okay?

So, paano ba 'yan? Hanggang dito na lang siguro tayo. But it doesn't mean na magpapaalam na kami ay tapos na ang lahat. Magpapatuloy pa rin ang buhay namin. Magpapatuloy pa rin ang pagmamahalan ni Vice Marie at Benigno Ion.

But for now, kailangan na naming magpaalam. And again, thank you for being with us all throughout our journey. Walang hanggang pasasalamat para sa 'yo.

Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam!

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDWhere stories live. Discover now