Chapter 28:

3K 113 17
                                    

Chapter 28:

Alex pov:

Matapos ang nangyari sa cafeteria kanina ay dumiritso na kmi sa gym kung saan magaganap ang next class namin na Combat Training.

"Good afternoon class!" Bati nang teacher namin kaya bumati din sila.

"Ngayun sa klase nyu saakin ay may makakasama kayong ibang section at sa training naman ay ang magaganap ay duel pero dapat nakaseal ang mga kapangyarihan nyu para malaman kung ang katawan nyu ay malakas din katulad nang kapangyarihan nyo" paninimula nya.

"Kaya ang magaganap ay Royalties section vs. sa Star section! So shall we start the duel but first warm up muna" dugtong nya. Kaya lahat sa bawat section na nandito ay nag warm up na. Nga pala hindi na kmi naka uniform ang suot na namin ngayon ay ang P.E jearsy namin pero sa bawat suot-suot namin ay pwede mong baguhin tulad sakin ngayun ang P.E jacket ko ay nakatali sa bewang ko at ang pangtaas ko ay black sando at ang pangbaba ko ay ang P.E pants.

Nakatingin lng ako sa mga students na nagwawarm-up nang lumapit saakin ang combat teacher namin.

"So ikaw at yung kasama mong lalaki ang bagong student sa royalties section?" Tanung nya saakin.

"Yes!" Maikli kong tugon.

"Ok! Tawagin mo na ang kasama mong lalaki dahil sasama kayong dalawa saakin sa armory para makukuha nyu na ang dapat na sandata na naka tadhana nyung dalhin" sabi niya kaya tinawag ko na si marky. Nang sumunod kmi sa combat teacher namin ay pumasok kmi dito sa may itim na pinto, nagtaka nga ako eh dahil pagpasok ko sa gym kanina ay hindi ko naman napansin ang pintong to.

Pagpasok na pagpasok namin ay tumambad saakin ang mga iba't ibang klaseng armas tulad nang katana, samurai, kunai, shuriken, chako, at iba pa. Pero ang nakaagaw sa pansin ko ay yung isang black sword na nakalagay sa isang malaking kabinet kasama nang ibang pang sword.

"Ito ang armory namin dito sa school lahat nang student ay dumaan na dito para makuha ang mga nararapat na sandata para sakanila so sino ang mauuna sa inyong dalawa?" Tanung nya. Kaya tinuro ko na si marky para mauna na.

"Nga pala ang sandata mismo ang pipili sa inyo haha sorry nakalimutan kong sabihin...sige na punta kna sa gitna iho ang sandata na mismo ang pupunta sayo maghintay ka lng" sabi niya kay marky kaya nang pumunta na sya sa gitna ay hindi nagtagal ay may pumunta na isang pistol sa harap nya.

"Nice gun marky!" Puri nang teacher namin.

"Ano po ang magagawa nito maliban sa ordinaring baril?" Tanung ni marky.

"Yan ay tinatawag na nulifying gun kaya nyang eh dodge lahat nang atake nang kalaban" paliwanag nya kay marky.

"Ikaw na iha punta kana sa gitna" sabi niya saakin kaya sinunod ko naman.

Pero nang naglalakad ako papunta sa gitna ang mga sandata na nadaanan ko ay lumutang lahat at pagdating ko sa gitna nakita ko na lahat talaga lumutang at pumalibot saakin pero nahati ito sa gitna at dumaan ang nakita ko kanina na black sword na nasa loob nang kabenit kanina at huminto ito sa harap ko nang hawakan ko na ito ay nadaplisan ang daliri ko sa blade at dun tumulo ang dugo ko saka nakita ko na biglang umukit ang pangalan ko na Alexah sa blade pagkatapos bumalik na sa pwesto nila ang mga sandata.

"Wow Alex nakuha mo ang Legendary Black Sword na pagmamay-ari dati ni Queen Sandra" puri saakin ni Ms. Aimie pangalan nang combat teacher namin.

"Nga pala pwede nyo nang bitawan ang sandata nyu mawawala lng yan hindi nyu kailangan bitbitin tapos kung kailangan nyu namang gamitin just summoned it ok!" Sabi niya kaya sinunod naman namin. Lumabas na kmi sa silid nayun at pinaghatihati na kmi ni Ms. Aimie at pinagsasabi nya na din kung sino ang maging kalaban namin sa kabilang section.

Magicxie Academy: The Long Lost Legendary PrincessWhere stories live. Discover now