Chapter 31:

2K 90 24
                                    

Alexis Pov:

"Waahhh ang galing mo marky!" puri nina zania at thania kay marky.

Sya yata yung nag-iisang Dream Manipulator na pwedeng pumasok sa Nightmer Island at sa wakas makikita ko narin ulit si mama.

"Uy Alexis wag kang mag-alala liligtas na natin ang Reyna as soon as possible" saad ni jyron sabay tapik sa balikat ko at ako naman ay tumango lang.

"Susunod na sasalang ay si Alexandra Valdez" saad ng MC at nakita ko naman na tumayo nadin ito saka pumunta na sa gitna ng Arena.

Pag tapak nya sa loob ng arena ay agad na nilagyan ng barrier ng mga Professors ang arena para hindi madamay ang ibang students sa labanan.

Nabigla naman kaming lahat ng lumabas sa Ere ang maging kalaban nya at isa itong first Class Dragon kung saan kadalasan ang mga Royal blood lang ang makakatalo o ma tamed(mapaamo) ang ganyang klasing halimaw.

"Ganyan ba talaga sya kalakas?" rinig kong bulong sa gilid ko na si xander habang ang lalim ng iniisip.

Bali ang arena na ginagamit sa leveling kasi nasesense ny kung malakas o mahina ka at ang arena na mismo ang magbibigay kong anung klaseng class na halinaw ang makakalaban mo.

Lumapag naman yung Dragon sa lupa at tinitigan si Alexandra at ganun din ang ginawa ni Alexandra sa dragon at kami naman ay naghihintay lang kung ano ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Mga ilang sandali lang ay sumigaw ang dragon sabay tapon ng apoy kay Alexandra na galing sa bibig nya.

Si Alexandra naman ay hindi natinag sa gunawa ng dragon hinintay nya lang ito na pumunta sa kinatatayuan nya ang apoy ng dragon saka bigla na lang nag laho ng papasabog na sana ito sa mukha nya.

*GASP *
Singhal ng lahat sa nasaksihan.

Nag simula naman lumakad si Alexandra papunta sa kinatatayuan ng dragon habang ng dragon ay patuloy lang sa pag buga ng apoy sa kinalalagyan ni Alexandra pero pagdating palang sa gitna ay naglalaho na ang mga ito na parang bula .

Habang kami namang nanonood ay napapasinghap lang sa nakita.

Nang malapit na si Alexandra sa Dragon ay nag summon sya ng isang sword na kinabigla ng lahat lalo na ako pero maliban kina Marky at Ms. Aimie.

"Yan yung legendary Black Sword ng Reyna ng gicxie diba?" Tanung nina thania.

Ako naman ay nanlaki  lang ang mga mata ko dahil ang sword na hawak hawak nya ay pag-aari ng mama ko ang Reyna ng Gicxie Kingdom.

Pag lapit na pag lapit ni Alexandra sa dragon ay may sinabi sya na kinabigla talaga naming lahat.

"Kneel!" cold na saad nya at mas nanlaki ang mata namin ng sinunod  sya ng dragon na parang takot na takot sa presensya nya saka tinaas nya ang hawak na balck sword at pinugutan ng ulo yung dragon na walang kahirap-hirap.

Pag labas nya ng arena ay halatang walang ingay na maririnig kahit paghinga ay wala, lahat talaga ay natigilan sa nasaksihan.

Nang makabawi ako ay pumalakpak  na ako habang nakatayo na at lahat ay sumunod na din dahil nakabawi na.

Ngumiti ako sa kanya pagdating nya sa pwesto namin saka binati.

"Ang galing mo Alexandra!" saad ko habang nakatingin sa walang emosyong itim na mata nya pero nakita ko na parang nagbago bigla ang kulay ng mata nya pero mabilis lng at bumalik din sa dati.

Nagtaka naman ako sa nakita pero di ko lng pinahalata sakanila. 'Hmm what are you Alexandra?' Tanung ko sa sarili ko dahil parang may iba akong nararamdaman sa kanya mula nung una naming pagkikita.

Alex Pov:

Pagkatapos nung leveling nung isang araw ay naging usap-usapan sa buong academy ang nangyari sa laban ko at hanggang ngayun ay naririndi parin ako sa mga naririnig ko.

Aminin ko na medyo masaya pag may attention ka nakukuha pero naririndi ako dahil dalawang araw na ang nakalipas hindi pa sila nakakaget-over.

"Tsk!" singhal ko na lang ng may kumalabit sa balikat ko at  paglingon ko ay muntik ko na syang mahalikan buti nalang mabilis ang kamay ko.

*PAK*

"Aray! Ano ba!" reklamo nya at medyo lumayo saakin ng kunti.

"Anong kailangan mo xander?" tanong ko habang naka pokerface at tama kayo si xander nga ang kumalabit saakin.

"Sabi ni HM ay sabihan mo daw si Marky na mag handa dahil aalis tayo bukas ng madaling araw" saad nya habang hinihimas ang pisngi nyang sinampal ko.

"Bat ako ang inuutusan mo" nakataas kilay kung tanong.

"Bakit aya---" naputol ang sasabihin nya sana nung sumabat si Marky.

"Di na kailangan nandito nako, By the way saan tayo pupunta bukas? At ang aga pa ha" tanong ni Marky.

"Sa Gicxie kingdom" seryosong sagot nya.

"I see" saad lang ni Marky saka umalis na si xander.

"Aalis tayo bukas para sa Reyna nila?" tanong ko at tumango naman sya pero halata sa mukha nya ang pagkabahala.

"Bakit?" tanong ko.

Naunawaan nya naman ang tanong ko kung anung klasing bakit?, kaya sumagot naman sya.

"Hindi ako sure kung ako ba talaga ang kailangan nila" sagot nya na nag pakunot ng noo ko.

"So ibig sabihin hindi ka sigurado kung maliligtas mo o hindi?" saad ko.

"Hmm" sagot nya lng habang  tumatango-tango ako naman ay nakatingin lng sa kanya.

Magicxie Academy: The Long Lost Legendary PrincessWhere stories live. Discover now