Chapter 32:

1.5K 72 21
                                    

Alex pov:

Maaga kaming nagising nina marky at ng mga royalties para bumyahe papunta sa gicxie kingdom dahil hindi saklaw ng portals ang papunta doon kaya 3 am pa lng ng umaga nasa labas na kmi ng gate ng academy at hinihintay ang karwahe na sasakyan namin.

Sabi nila dalawang araw daw ang byahe papunta sa gicxie kingdom at madadaanan daw ang kaharian nina prince flient at princess zania icewons kaya naisipan din nilang bisitahin ang hari't reyna kaya bali tatlong araw ang paglalakbay.

"Ang una nating madadaanan ay ang gubat dito at mga limang oras ang paglalakbay bago tayo makalabas, sunod ang ilog ni urusha ang baklang nagbabantay sa ilog na mahilig mangbingwit ng mga poging lalaking dumadaan, mga dalawang oras naman ang pagtawid doon at mga tatlong oras din ang lakaran sa mga malalaking bato bago makapunta sa pinakamataas na bundok ng icewons kingdom" seryosong saad ni fliend kuya ni zania.

"Kaya pala *yawn* maaga tayong aalis *yawn*" cold kong saad habang humihikab.

Di nagtagal ay dumating na din ang tatlong karwahe na pweding kasya ang apat na tao.Sa unang karwahe ay sina thania, zania, thaniel, at zefix, sa ikalawang karwahe naman ay sina zane, ann, flient, at jyron, at sa huling karwahe ay ako kasama ko si marky na katabi ko ngayun at kaharap naman sina xander at alexis na magkatabi naman.

Nagsimula naman tumakbo ang kabayo na naghahatak sa karwahe na sinasakyan namin at parang selfwork sila wala kasing kutyero o henete na tulad sa mortal world na para magpatakbo ng kabayo bali dito ay spell lng talaga.

Di naman nagtagal ay nakaramdam naman ako ng antok kaya sumandal na lng ako sa balikat ni marky para umidlip at nung naramdaman naman nya ay inakbay naman nya saakin ang isang kamay nya at saka kinumutan ng jacket na hawak-hawak nya kanina pa.

Marky pov:

Nang maramdaman kong sumandal si alex saakin ay inakbay ko sa balikat nya ang kanang kamay ko saka pinakumot ang dala kong jacket, ang totoo kasi para talaga sakanya to dahil nakita ko na manipis ang suot nyang damit kaya hinanda ko na to para sa kanya.

Hindi nagtagal ay nakatuli na sya ng tuluyan at pagharap ko sa dalawang kasama namin ay nakatingin pala sila.

"Bakit?" Tanung ko. Umiling lng sila bilang sagot saka pumikit at kanya-kanya na ang pagsandal nila sa bintana, ako naman ay pumikit din.

Pero di nagtagal ay minulat ko din ang mga mata ko dahil hindi na ako makatulog kaya tumingin na lng ako sa labas na medyo sumisikat na din ang araw at mukhang may madadaanan na kaming maliit na bayan tamang-tama para sa pag-agahan namin.

Nang makarating kami sa bungad ng bayan ay tumigil na ang karwahe at nakita kung bumaba na ang iba kaya ginisin ko na ang dalawang nakaupo sa harap namin.

"Hey!" Tawag ko.

"Hmm" ungol nilang dalawa.

"Hey! Gising may maliit na bayan tayong madadaanan kaya magbreakfast muna tayo" tawag ko pa at nagmulat naman silang dalawa ng mga mata nila at bumaba na din.

Ako naman ay tinapik tapik ang pisngi ni alex para gumising pero di tumatalab at tinaboy nya lang ang kamy ko saka natulog lang ulit ng mahimbing.

*SIGH*

Hinawakan ko na lng ng maingat ang ulo nya saka ako tumayo at dahan-dahan na pinahiga sya sa uluan saka lumabas na din ako sa karwahe.

Paglabas ko ay bumungad agad saakin ang sikat ng araw kaya napapikit muna ako at nag-aadjust ng paningin saka pumunta ako sa kinatatayuan ng royalties saka tatanungin sana kung bakit nakatayo parin sila pero di natuloy dahil nakita kung saan sila nakatingin.

*GASP*

Gulat kong reaksyon dahil ang sa harap namin ngayun ay hindi mo na makilala ang bayan dahil halos abo na ang paligid ay parang aksidinte ang nangyari parang may nagsunog talaga ng paligid at halos wala ng itinira, dahil na din ang mga taong nakatira dito ay nasa paligid lang nakahandusay at wala nang buhay.

"Hey! Marky ba't tumigil ang karwahe?" Tanung ni alex at halatang kakagising nya lang.

Pagtabi nya saakin ay halatang natahimik sya sa nakikita ngayun, naglakad naman sya sa mga taong nakahandusay saka hiniwakan ang mga pulsuhan para malaman kung buhay pa pero nabigo lang sya dahil halatang mga ilang araw ng namatay ang mga taong ito.

"Parang *hik* massacre ang nangyari" naluluhang saad ni thania.

Magicxie Academy: The Long Lost Legendary PrincessWhere stories live. Discover now