CHAPTER 1

22.5K 382 23
                                    

AUTHOR's NOTE: UNEDITED po ito, kaya maraming wrong typos and grammar.

CHAPTER: 01

|Texana West Point Of View|

*BOOGGHHSS*

*BOOGGHHSS*

*CLANG*

*CLANG*

*SWISH*

Yan ang mga normal na tunog na maririnig mo sa Underground, isama mo na rin ang mga hiyawan ng mga mafia para ipakita ang suporta nila sa dalawang tao na naglalaban sa Circle of Death.

Napahawak ako sa bibig ko at hindi na napigilan pa ang sarili na mapahikab dahil sa labis na pagkabagot. Halos apat na oras at kalahati na akong nanonood ng laban ng mga mafia pero ni isa sa mga laban ng mga ito ay walang nakakuha ng interes ko.

Bakit ba kasi kailangan ko pang panoorin ang laban nila? It's because of my dad. He told me to watch every mafia's fight and report it to him.

Napabuga ako ng marahas na hangin tsaka tamad na sinalo ang tatlong shuriken na papunta sa direksyon ko gamit ang apat kong daliri.

Napatingin tuloy sa akin ang lahat.

"P-patawad D-death Glass, hindi ko s-sinasadya." Utal na saad ng lalaking nasa Circle of Death na siyang may-ari ng mga shuriken.

Agad itong lumuhod habang nakangisi naman ang lalaking kalaban niya na mukhang sinadya na pumwesto patalikod sa akin upang ako ang tamaan ng shuriken ng lalaki.

Nakatalikod kasi sa gawi ko 'yong lalaking kalaban niya kaya ng umiwas ito sa mga shuriken na hinagis niya ay sa akin 'yon pumunta.

"Patawad? Muntik mo ng masaktan si Death Glass sa tingin mo patatawarin ka niya?" Ngising aso na saad ng lalaking kalaban niya kaya sinamaan niya ito ng tingin.

Balak sumipsip sa akin ng isang 'to tch.

"Para sayo dapat ang mga shuriken na 'yon, kung hindi ka lang umiwas!"

"Anong tingin mo sa akin tanga para hayaan na matamaan ako ng mga shuriken mo?"

Mga hangal. Dahil busy sila sa pagtatalo ay hindi nila na pansin ang paghagis ko pabalik ng mga shuriken sa direksyon nila.

Agad silang napahawak sa kanilang leeg kung saan bumaon ang shuriken na hinagis ko. Sumirit mula roon ang masagana nilang dugo at bago sila bumulagta sa sahig at bawian ng buhay ay nanlalaki pa muna ang mata nila akong nilingon.

Hindi makapaniwala sa ginawa ko. Tch.

"Next fighters." Wika ko na siyang bumasag sa katahimikan ng paligid

Agad na pumunta sa Circle of Death ang sunod na maglalaban at hindi inalintana ang dalawang bangkay na nasa paligid nila.

Nagsimula silang maglaban kaya itinuon ko nalang ang paningin ko sa kanila. Muli na ring umingay ang paligid na parang walang nangyari kanina.

***

Pinatunog ko ang aking leeg tsaka hinimas ang batok ko bago ako tumayo at nag-unat unat. Hindi ko na kayang tagalan pa ang ganito. Pakiramdam ko ang pagka-boredom ang papatay sa akin.

Tumalikod na ako sa mga naglalaban at akmang aalis na pero kung minamalas ka nga naman ay may babae akong nakabangaan at mukhang hindi niya nagustuhan ang nangyari kaya sinimulan niya akong sigawan.

Natahimik ang kaninang maingay na mga Mafia na nakaupo sa mga bleachers maging ang mga naglalaban sa Circle of Death ay napatigil din at natuon ang attention sa akin at sa babaeng 'to na panay ang daldal.

His Bodyguard Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now