Kabanata 26

10.4K 250 28
                                    

"Oh my God, my apo! I'm so really proud of you!" sabi ni Abuela ng makauwi ako. May Channel paper bag na nakalatagsa marmol na sahig ng sala at Gucci. Hinala ko ay nagshopping na naman sila ni Mama. May iba ding YSL at Alexander na paper bag sa sofa.

"Abuela? You're shopping again!" sabi ko.

Parang hobby na ata nila ang pag-shashopping kasama si Mama. Minsan 'rin ay sinasama nila si Kirk pag walang klase.

"Oh, I have a new coat for you, apo! I also have the new limited edition sandals from YSL." eksahaderang sabi ni Abuela at kinuha ang maraping paper bags na nasa gilid ng pang-isahang sofa.

"Look at these, apo. I bought these for you! And Amara bought a new Channel bag for you." halos tampalin ko ang noo ko sa dami ng paper bags na inilalahad nito sa harap ko. Oh God, how did she became my grand mother again?

"I also bought a lingerie and bikinis for you. It's the new lingerie from the Victoria's Secret, it just got release just today! You'll like it. You have to try it on." gusto kong takpan ang mga mata ko dahil sa pinapakitang lingerie at bikini na sobrang sexy at daring tingnan.

"I'm so proud of you, anak. Sinabi ni Kristine na isa ka sa nag-opera kay Riego. And I heard Riego is now stable but still recovering." sabi ni Mama at niyakap ako ng mahigpit. Seriously? What happened to them? Sobrang over acting naman ata nila ngayon.

"May kaunting handaan, apo. For your sucessful operation of Riego. He's a senator at a De Lentron. I'm so proud of you!" niyakap na rin ako ni Abuela na ngayon ay ikinailing ko.

"Magpapahinga lang ako, Abuela, Ma. Wala akong duty bukas." sabi ko at dumiretso sa kwarto. Naligo ako kaagad at natulog.

"Hoy! Ate! Gising!" napaungol ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Aba at tulog mantika! Hoy, hindi dahil wala kang duty ngayon ay ganyan kana makatulog. Hoy, tanghali na." rinig kong sabi ni Kirk.

"Kuya Fear! Kuya Mad! Ayaw magising ni Ate!" sigaw niya kaya binato ko siya ng unan. Tumalikod ako at humarap sa kabila upang tingnan ang oras. It's still 8am at gusto ko pang matulog. I badly want to sleep all day.

"Huwag mo nga akong guluhin, Kirk!" singhal ko at pumikit ulit.

"Ayaw mong bumangon, ah. Hoy, maligo kana at may bisita tayo." sabi ni Kirk ngunit hindi ko siya binigyan ng pansin. Paki ko sa mga bisita. I fucking want to sleep. Gusto kong bumawi sa mga araw na wala akong tulog.

"Pag ako nakatayo ngayon mata mo lang ang walang pasa kaya iwanan mo ako, Kirk. Gusto kong matulog. Masusuntok talaga kita kahit mas malaki ka pa sa akin." sabi ko sa isang antok na boses.

"Kuya Fear! Kuya Mad! Susuntukin ako ni Ate!" sigaw niya.

Rinig kong may mga yapak na pumasok sa loob at ramdam ko ang dalawang presensya na pumasok roon ngunit hindi ko iyan pinansin. Damn it! Why can't they just leave me alone. I just want to sleep peacefully. No disturbance. No fucking nuisance.

May kumuha ng kumot ko ngunit hindi ko iyon pinansin at patuloy lang sa pagpikit.

"What the fuck!" napamura ako ng may humawak binti ko at sa balikat ko.

"Kuya!" napatili ako nang umangat ako sa ire habang karga ako ni Kuya Fearless.

"Mad! Open the fucking bathroom!" sabi niya na tingin ko kay Kuya Madness.

"Kuya Fear! Ibaba mo ako! What the fuck!" pagtitili ko.

"Ah, nagmumura kana ngayon! Saan mo natutunan iyang fucking fucking na iyan, ha! Eunice! Bubugin ko iyong mga kaibigan mo talaga!" rinig kong sabi ni Kuya Madness.

Owned by a De Lentron (VIB Series # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon