Chapter Seven

58 27 66
                                    

Ang tahimik at napaka awkward.

Kasalukuyan kaming nasa sala. Magkatapat kaming nakaupo. Ako sa sofa, siya sa couch. Ang tanging pumapagitna lang sa 'min ay ang glass table.

Masinsin ko siyang tinitingnan. Binabantayan ang bawat galaw niya. Habang siya inaabala ang sarili sa cellphone niya. Hindi siya tumitingin sakin, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya dahil ay blangko ito. Well, palagi naman.

Kanina-nina lang rin siya pinapasok ni mama sa bahay. Hindi man lang tumanggi. Siguro nagulat rin siya pero kaagad din yun nawala sa mukha niya.

Ito ako ngayon inuutusan ni mama nai-entertain siya habang hinahandaan niya ng makakain itong si Flynn. Ni hindi nga nagsasalita 'to paano ko pa kakausapin?

Sila pala ang may ari ng bagong bahay na 'yon. Hindi naman nakakapagtaka na mayaman ang isang 'to. Halata naman sa sports car na dala niya noong unang beses ko siyang nakita sa coffee shop.

Naalala ko tuloy nung una kong makita ang lalaking 'to. Palagi na lang sumusulpot kung nasaan ako. Nung una sa hotel pinahiram niya ako ng panyo tapos sunod sa coffee shop namin— regular customer pa! Okay, understandable naman yung sa university kung saan siya nag aaral pero nung nagpunta kami sa kanila panay ang sulyap niya sakin. At ang huli dito sa bahay? Lumipat pa talaga.

May nako-conclude na tuloy ako sa isip ko. May mali talaga e. Nakapagtataka na palagi ko siya nakikita coincidentally o baka naman sadya? O baka naman assuming lang ako?

"Stop staring." Malamig na tugon nito sakin.

Nagsasalita pala 'to?

"Hindi ako tumititig sa'yo." Sagot ko at iniwas ang tingin ko sa kanya.

Oo na! Nakakatitig ako sa kanya. Hindi dahil sa matangos niyang ilong, maganda niyang mata, mahabang pilikmata, makapal niyang kilay, makinis na mukha, mapulang labi niya, at mas lalong hindi ako tumititig dahil lang sa gwapo siya. Hindi rin ako tumititig dahil sa matipunong katawan niya 'no!

Nagtataka lang talaga ako. Oo tama.

Mula sa peripheral view ko, nakita ko ang pagngisi nito kaya napalingon ulit ako sa kanya. Medyo nagulat pa nga ako nang makitang nakatingin na pala ito sakin habang nakahalukipkip ang dalawang braso at nakataas ang isang kilay.

Aba nga naman, nag iiba pala ang ekspresyon nito.

Ginaya ko rin siya. Humalukipkip ako at tiningnan siya ng masama.

"Umamin ka nga. Crush mo ba ko? Stalker ba kita?" Pagbuwelta ko sa kanya.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, pero maya maya may namuong ngiti sa labi niya. Napakurap pa ko ng ilang beses nang makita 'yon nang harapan. Parang nahi-hypnotize yata ako.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" Tanong nito. Ngayon ko lang napagtanto na parang familiar sakin ang boses niya pero hindi ko na muna inisip 'yon.

Tsaka, marunong pala magtagalog 'to! Akala ko talaga pure english lang language nito e.

"Yung sa hotel, bakit mo ko pinahiram ng panyo? Hindi naman kita kilala, basta basta ka lang sumulpot sa harap ko. Sinusundan mo ba 'ko no'n?" Tuloy tuloy na sabi ko sa kanya sa mahinang boses. Baka kasi marinig ni mama.

"No. Napadaan lang ako sa open garden, then a staff told me na puntahan ka para patahimikin kasi may conference that time malapit sa pinag-iiyakan mo. Naiingayan sila sa'yo."

Napakurap ako sa sagot niya. Masyadong mahaba 'yun ah. Yun pala ang rason, malay ko bang may conference pala dun. Pero teka! Hindi pa ko tapos, may mali pa rin.

Safe With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon