Chapter Nine

56 24 22
                                    

Kasalukuyan kaming nagkaklase, natapos na ang quiz namin kanina-nina lang. Sinusubukan kong makinig sa discussion at mag-focus pero nakakaramdam ako nang pagsakit ng ulo at puson ko.

Pinipigilan ko rin ang maya't mayang pag-ubo at bahing ko dahil baka makaistorbo sa klase namin. Hanggang ngayon pa rin kasi nanginginig ako sa lamig. Tumila na rin naman ang ulan ngunit hindi pa rin umiinit ang panahon, makulimlim pa rin ang kalangitan.

"Okay ka lang ba talaga, Yssa? Namumutla ka na, oh." Mahinang saad sakin ni Jean na nasa tabi ko.

Kanina niya pa kasi ako tinatanong kung ayos lang ba ako dahil panay ang ubo at bahing ko, ngayon naman namumutla na ko.

"Sus, okay lang nga ako. Don't worry, Jean." Ngumiti ako sa kanya pagkatapos kong sabihin 'yon para mawala ang paga-alala niya sakin.

"Punta na lang tayo sa clinic pagkatapos nitong klase, malapit na rin namang mag-time," saad niya habang nakatingin sa wrist watch niya.

Tumango lang ako bilang tugon sa kaniya. Nakinig na lang ako ulit sa prof namin, pilit na binabalewala ang sakit ng ulo at puson ko.

"Tomorrow is our midterm exam. I already gave you the photocopies of each lesson that we discussed. So, I'll just give your pointers. Please review your notes well." Paga-anunsyo ng prof namin na nakatayo sa harapan ng table niya.

"Shit, midterm week nga pala ngayon." Rinig kong sabi ni Jean.

Hindi lang ako nagsalita. Kinuha ko ang binder ko sa bag pati na rin ang ballpen atsaka nag-take down notes ng sinusulat ng prof namin sa white board.

Nang matapos na sa pagsusulat ng pointers ang prof namin, nagpa-dismiss na rin siya ng klase kaya nagsilabasan na kami ng classroom.

"Putlang-putla ka na talaga, Yssa." Sabi ni Jean nang makalabas kami sa classroom, dinampi niya ang kanyang kanang kamay sa noo ko. "Ay! Ang init mo na ah. Tara, samahan kita papuntang clinic." Sabay tanggal niya ng kamay niya mula sa noo ko.

"Pupunta sana ako ng library pero nahihilo na rin ako, kaya sige tara." Sagot ko sa kanya. Inalalayan niya naman ako sa paglalakad.

Gustong gusto ko nang humiga at magpahinga muna. Gusto ko rin sana umuwi muna ng bahay pero nag-uumpisa na naman ang pagbuhos ng ulan.

"Nurse, nilalagnat kasi 'tong kasama ko e, nahihilo rin siya." Sabi ni Jean sa nurse nang makapasok kami sa clinic.

"Gano'n ba? Sige, pahigain mo muna siya doon sa bakanteng higaan." Saad ng nurse, pareho naman kaming tumango ni Jean atsaka niya ko inalalayan papunta sa may higaan.

Hinawi ni Jean ang nakaharang na kurtina atsaka niya ko pinaupo sa kama pagkatapos ay inayos niya ulit ang pagkakaharang ng kurtina.

"Thank you, Jean. Naulanan kasi ako kanina bago ako pumasok e." Mahina at malumanay kong saad sa kaniya. Tinanggal ko na ang sapatos ko atsaka humiga nang maayos sa kama.

"Ay, ang galing. Bakit ka ba kasi nagpa-ulan? Nagpa-late ka na lang sana, wala naman tayong ginawa kanina sa first subject natin." Halata sa boses niya ang pagka-inis at may halong paga-alala.

Napangiti lang ako sa kaniya. Si Jean, para siyang combination nina Ricci at Lara. May pagka-seryoso rin siya minsan katulad ni Ricci, pero madalas ay may pagkaloka-loka at jolly siya katulad ni Lara.

Safe With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon