CHAPTER 19

52 18 0
                                    

Lory's POV:

Tulala akong nakatitig sa bintana ng dorm namin. Iniisip ko na hindi totoo yung nangyari kahapon, pero kahit itanggi ko alam kung nangyari yun.

Hindi din ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa pangyayari.

Tumingin ako sa orasan, 2 hours nalang bago magsimula ang announcement ng president.

At dahil isa na ako sa part ng committee lagi na akong updated sa kaganapan ng campus. At isa na tong announcement ng president, kada tuloy naaalala at nababanggit ko ang salitang yun naaalala ko sya.

Lalo na't familiar sya para sakin.

Anyways about the president, mula ng mag-aral ako dito sa Ilaria, never in my life na nakita ko sya. Never din sya lumalabas sa kahit anong pagdidiriwang ng school, this is just the first time. Kaya napapaisip ako kung sobrang special nito kaya nakadalo sya.

Pero kahit parte na ako ng student committee, hindi ko padin alam ang announcement mamaya.

Narinig ko ang pag baba ni Chloe sa kama kaya tumingin ako sa kanya.

Humihikab pa syang kinuha ang kanyang toothbrush at naglagay ng toothpaste dun.

Mukang hindi nya napansin ang presensya ko. Hinayaan ko sya sa ginagawa nya, nanatili naman akong nakatingin. Nang mapasulyap sya sa gawi ko, halata ang gulat nya dahil bigla ding nanlaki ang mata nya.

"Putangina." Sabi nya.

Matawa tawa naman ako dahil kahit mahina lang yun, halatang halata ang naging gulat nya. At saka, ngayun ko lang sya narinig magmura.

"Nagmura ka?" Nangingising tanong ko.

Napailing naman sya at tinuloy ang pag tu-toothbrush.

"Nagmura ka HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAH"

"Hoy! Ang aga aga pa, mamaya magising sila Violet....A-at saka hindi ako nagmura."

Ganun pala ang saya kapag yung matino senyo narinig mo mag mura.

Gusto ko pang ipaulit yun kay Chloe dahil hindi talaga ako maka get over.

Nagising na din sila Yuri, Violet at Faye.

"Tignan mo, ang ingay mo kase eh." Sabi ni Chloe sakin.

"Baka kase narinig din nila pagmumura mo." Tinarayan nya naman ako pagkatapos.

"Nagmura si Chloe?" Bungad na tanong ni Violet.

Tumango naman ako.

"Wow." Faye said.

"Nagmumura pala ang mabait." Sarcastic na sabi ni Yuri.

"Tatlo lang naman kase kayong di 'nagmumura' dito, kaya talagang nakakagulat." Violet said.

Si Yuri ako at Chloe ang tinutukoy nya, kahit kase may pagka maldita 'tong si Chloe hindi sya nagmumura. And gaya kay Yuri na pinakamatino samin, at ako? Nagmumura ako sa sarili ko lang.

"Ba't ba kase ang bigdeal senyo?!"

Nagtawanan kaming apat dahil sa sinabi nya.

"Anyways, alam nyo na ba yung announcement daw mamaya?" Pag-iiba ni Violet.

Habang nag uusap usap ginagawa naman nila ang daily routine nila.

Samantalang ako, nakatingin ulit sa labas ng bintana.

"Ang alam ko may i a-announce mismo ang president ng school." Yuri said.

"First time yan ah." Faye said.

Blind DateWhere stories live. Discover now