L: Pang-apat

36 1 0
                                    

TUMUTULONG sa pagluluto si Lara sa nanay ni Alice, ang sabi nito ay dadalhin nito ang mga pagkain mamaya sa party na magaganap sa mansyon ng mga Cuento.

"Nako iha, alam kong marahil ay nagtataka ka dahil sa may pagdadala pa ako ng pagkain doon, pero ganoon talaga, diretso ito doon sa may nag cacater sakanila tapos sila na bahala doon, parang yan na din ang pasasalamat namin sa pamilya nila, halos lahat ng dadalo na taga dito sa poblacion ay may dalang pag-kain."

Tumango na lamang si Lara at pinag-igi ang pag hihiwa ng mga patatas, sa isip isip nya para syang si Sarah prinsesa, taga balat ng patatas.

Pero okay lang naman, libre kain sya doon at isa pa walang hinihingi ang mga magulang at ang lola nito kaya naman hindi na masama kung tutulong sya sa gawaing bahay hanggat di pa sya nagkakatrabaho.

Nakapagtapos sya ng business course, human resource management, yan ay dahil sa pag-uusig na rin ng ama na yun ang kunin nya. Ang plano kasi ng ama nya ay pagtrabahuin sya sa pinagtratrabahuan nito na kumpanya, pero hindi naman na matutuloy dahil sa wala nanaman syang balak umuwi hanggat walang napapatunayan sa parents nya.

Naalala nya, nung nakaraang araw nakausap nya si Tokwa o si Robert Pascual or si Roberta na ngayon na kaibigan nya na beki na nasa australia ngayon.

Flashback

Nagulat na lamang si Lara ng may biglang nag ring ang phone nya, tiningnan nya ito at si tokwa or robert o roberta pala ang natawag,

Sinagot nya ito. "Why?"

"Uso hello ate! My gosh naman baks! Di padin changing ng outfit eh!" Napakaarte parin talaga ng bakla.

"Manahimik ka! Asan na sustento mo sakin?" Sagot nya naman dito. Nakikinikinita na nya na umikot nanaman ang mga mata nito sa pandidiri

"Ay yaman naman, may pa sustento, ano akes? Mother of your child?"

"Father ka hindi mother! Usisera! Wala kang matres!" Sabi nya dito, narinig nya ang parang na hurt voice nito, nag-iinarte nanaman ang bakla.

"Anyway highway, tumawag ang pudrakels no sakin mahmah! Sakin ka ba naman hinahanap? Anong feeling ni father mo na nasa Pilipinas parin ako? Hindi ko kineri mga litanya sakin ni papa mo besh! Feels nya parin nagkukunwari lang akong bekshi mamshie! Huhuhu ganon na lang ba ako kapogi? Iwwwwwwwwww!!!!"

Napaismid nalang si Lara, naghahanap na ang tatay nya, kung hindi lang sya pinaalis ng magaling na Heidi na yon edi sana tahimik na nasa bahay lang sya, ang kaso mo, pinalayas nga sya.

"Anong sinabi mo kay papa tokwa?" Tanong nya dito.

"Of course sabi ko hindi ko knowings ang pinagtataguan mo this time kasi hindi ko naman talaga alam, where ba is you sis? Your father sounded worried naman, uwi ka ba kaya?"

LastWhere stories live. Discover now