L: Pang-anim

31 2 0
                                    

"OMG SIS!!!! KITA MO YON HA? ISINAYAW AKO NI LUCAS BEBE BOY!"

Impit na palirit ni Alice, medyo malayo sila sa venue ng party, nasa malapit sila na sa tingin nya ay ang maisan.

"Diyos ko Lara, ang lambot lambot ng kamay ni Lucas, parang baby!!!"

Napailing nalang si Lara. Kanina pagkatapos kasing magsayaw ng dalawa ay nabigla sya ng hinila sya ni Alice dito sa maisan at nagtatatalon at naghuhumiyaw sa kilig.

"Can't you believed that? Isipin mo Lara, sya ang nag-akit saakin, siguro he change his mind at ako na ang gagawin ni bride!"

She is happy for her friend, after all ay sobrang crush talaga ito ng kaibigan.

Nagkwekwento pa si Alice ng may biglang mag approach dito. "Alicia!"

Napatingin sila gawi sa likod ni Alice, may tunawag dito na boses lalaki. "Apol!!!"

Ng makalapit ang tumawag kay Alice ay nakita na nya ang mukha nito. May kagwapuhang taglay din ito. "Putcha mukha kang mahal ngayon ah."

Ito agad ang bungad ni Alice sa lalaki. "Bwisit ka talaga!" Napangiti nalang ang lalaki, maya maya pa ay napansin sya nito.

"Sino yan Alicia? Pakilala mo naman ako..."

Naparolyo ang mata ni Alice. "Si Lara yan, kaibigan ko galing maynila, taken." Natawa si Lara sa inusal ng kaibigan.

"Hehe, hi ako si Apollo." Nag extend ng kamay si Apollo for handshake na magiliw na tinanggap ni Lara. "Lara..."

"Friendship ko to dito Lars before, pero lumipat na sila sa ibang bayan eh, nandito ata para kay Lucas na friendship nya din."

Tumango tango si Apollo. "Tunay, gulat kasi ako ikakasal na pala ang mokong, ay sya nga pala Lara."

"Ano yon?".

"Hiramin ko muna tong si Alicia ha, doon lang kami, catching up." Ngumiti si Lara at tumango. Pinalo naman ni Alice si Apollo sa balikat at lumisan na ang ang dalawa habang nagbabangayan.

Napatingin si Lara sa paligid, kung babalik sya wala rin naman syang kausap doon, mainam na hintayin nya nalang muna si Alice o kaya naman ay mamaya nalang bumalik sa party.

Naglakad si Lara, maya maya ay hinubad nya na ang takong na suot at naglakad muli. Sa di kalayuan nga ay may natanaw syang maliit na kubo, pahingahan siguro ng mga magsasaka.

Dumiretso sya doon at pagkarating ay umupo. Napagod sya sa paglalakad din. Sa kubo tanaw nya ang bilog na buwan na syang nagsisilbing liwanag ngayong gabi.

"Hi..."

Napaigtad si Lara ng may biglang umimik sa likod nya. Napaharap sya doon dahan dahan at nakita nya ang isang lalaki.

"I supposed you know me by now." Sabi nito atsaka naglakad palapit sa kaharap nya na upuang kawayan.

Tumango tango si Lara dahan dahan. "Magandang gabi po." Bati pa nya.

Ngumiti lang ang binata. "I'm not old enough miss, I'm only 27 okay?" Tumawa ng maliit ang lalaki.

"Sorry." Mahinang pahayag ng dalaga.

"I'm Lucas, for formality lang." Tumayo ang binata at nag offer ng shakehands. Nanginginig na tinanggap ni Lara ang kamay nito.

"Ako naman si L---"

"LARS!!!!!WHERE NA YOU???"

Napabitaw ng kamay si Lara kay Lucas. "Hinahanap na ako pasensya na."

Kahit yapak ay dagling umalis si Lara sa kubo. Akmang pipigilan pa sya ni Lucas pero hindi nalang nito itinuloy.

Maya maya pa ay nakasalubong na nya sa Alice. "Huy!!! San ka galing?" Tanong nito. Hinihingal na ngumiti si Lara, "diyan lang, tumingin sa kalangitan at naglakad."

"Nakuuuuu, pasensya na Lars ha, si Apollo kasi daming pakana, anyway tara na? Uuwi na din tayo, puro naman sayawan ang pagdiriwang, alam mo naman traditional way dito sa probinsya."

Tumango nalang si Lara. "Ay isuot mo muna yang sapatos mo, madali ka na!"

Napabuntong hininga nalang ang dalaga.

---

UMAGA.

Napabalikwas si Lara sa higaan, napasabunot ito sa ulo at napakamot ng makitang mataas na ang sikat ng araw, nako po! Tinanghali sya ng gising!

Napsulyap sya sa matabing si Alice bago nagbitaw ng buntong hininga.

Dahan dahan syang bumangon at nagtungo sa banyo sa kwarto, naghilamos at nag toothbrush sya bago bumaba.

Nakita nya ang tita Alicia nya. "Good morning po tita." Ngumiti sya dito at sinuklian din naman sya nito ng ngiti.

"Magandang umaga Lara, si Alice ba ay tulog pa?" Tanong nito, tumango naman si Lara.

"Ano ba yang bata na yan, alas diyes na! Sige Lara kumain ka na ng almusal doon sa kusina, gigisingin ko lang ang batang yon."

Napangiti nalang si Lara at dumiretso sa kusina, nandoon nga at mayroong mga pweseng almusaling pagkain.

Nasa kalagitnaan sya ng pagkain ng biglang marinig ang irit ni Alice. "MAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"

Hindi man aminin ni Lara, masaya syang kahit papaano ay dito sya napadpad sa pamilyang Oliveros.

---

"SINABI ko ng ayoko sakanya! Hindi na ako magpapakasal kay Seria!"

"Lucas! Ano bang sinasabi mo? Anong hindi na at ayaw mo na? Hindi ba't ikaw ang nagpakilala kay Seria? Kung kaya't bakit ayaw mo na? Bukas na iho ang kasal, maatim mo bang umiyak ang babaeng minamahal mo?"

Umagang umaga sa mansyon ng mga Marciano-Cuento ay ganitong pagtatalo ang bumungad sakanilang lahat. Tomorrow ay ang kasal nila ni Seria, he knows na pinabilis ang lahat ng pamilya nya.

Naiissue na kasi si Lucas, na baka isa daw itong bading kaya naman hindu nakikitaan na may kadate sya or may kasamang babae. Which is he doesn't care at all, bahala na ang madlang mag-isip ng masama sakanya.

"Mahal? How come? I never said that I have feelings for Seria, and besides, diba ayaw nyo din naman sakanya?"

Kahit ayaw ng pamilya ni Lucas kay Seria ay wala na silang nagawa, isinasalba lamang nila ang pangalan ng Cuento lalo na ni Lucas na nag-iisang lalaki ngayong henerasyon nila.

Ang naganap na engagement kagabi ay for formality ika nga nila.

"That's not the case Lucas Marciano Cuento! You are a Marciano-Cuento, a family that has one word, and we keep that word until our last breath."

Napangiti ng nakakaloko si Lucas. "Stop that trick dad, hindi ka naman ganon, you said that you leave mommy back then, when she said that she don't love you and she doesn't have feelings for you, pero anong ginawa mo, you rape my mom and then drag her to a wedding, then the end."

"We are different lucas anak, I love your daddy now and we are a happy family, that is why you need to listen to us, marry Seria okay?"

Tumayo si Lucas sa kinauupuan. "No." He plainly said at akmang aalis na sa kwarto ng pigilan sya ng dad nya.

"What is the change in mind? Would you explain it?" Tanong ng ama nya.

"I want thay green eyed girl that I see in my engagement party, I want to marry her and the rest will be history, I want berde."

"Berde?"

"Yes, and that is the next queen of this household."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LastWhere stories live. Discover now