Le Chapitre 16

26 2 0
                                    

WARNING! PLAGIARISM IS A CRIME!

Pitong buwan na ang nakakaraan ng makaalis na ako sa puder nila Mommy, Naungusan na ng ibang balita ang pag kawala ko, Kaya malaya na din akong nakakalabas dito.

Malaya na makalangoy sa magandang karagatan ng siargao. Ang kumikinang na tubig pag gabi na nang aakit kaya mas napipili ko na gabi ako mag swimming. Bukod sa walang tao, tahimik pa ako.

Kanila Baby Hira naman natigil na din ang gumugulo sa kanila kaya bumalik na sila sa bahay nila.

Kahapon mag ka-kasama kami na lumibot sa ibang isla pa nanandito. Tinuruan din namin si Baby Hira na lumangoy kaya ngayon, Siguro dahil sa pagod medyo sumama ang pakiramdam ng bata.

Natapos ko na din ang module ko kaya pinadala ko na din, May roon na akong grado sa lahat ng subjects namin nila Mava. Kaya wala na akong po-problemahin pa.

Naka maxi dress ako na kulay pula. Nag lalakad na ako papunta sa bahay nila Baby Hira ng may makita akong mga lalaki na naka itim na suit.

Pinapalibutan nila ang buong bahay ng mag ina. Pinag titinginan na din sila ng mga tao, May mga lumalapit pero agad din na pinapalayo ng mga naka itim na suit na mga lalaki. Marahil ay mga body guards ang mga iyon.

Nakita kong may lumabas.......... Napaatras ako ng makitang ang lumabas ay si Kuya Uno na buhat buhat si Baby Hira, Habang hapit niya sa baywang ang Mama ni Hira.

Habang hapit ni Kuya Uno ang baywang ng Mama ni Hira ay may kinakausap ito isa sa body guards na dala niya.

Pinapalibot ni Kuya Uno ang tingin sa buong lugar. Ganoon din ang ginawa ng Mama ni Baby Hira. Ng mag tagpo ang tingin namin. She just mouthed run.

Pero nagulat ako ng manlaki ang mata niya. Tinignan niya muna si Kuya Uno bago inginuso ang likod ko. Kinunutan ko lang siya ng noo.

Nang mag angat ako ng tingin, Nakita ko nalang ang isang ngisi ni Kuya Uno saakin, Dahilan para mapaatras ako ng nakitang tinignan din ako ng kausap niyang body guard niya.

"Aeouise" unti unting nanlaki ang mata ko ng makilala ang boses na iyon. Kahit kinakabahan dahan dahan akong pumihit paharap sa tumawag saakin.

Halos mapaupo ako sa pinong buhangin ng tumambad saakin ang mukha ni Schunnon.

Sunod sunod akong napaatras ng mag lakad siya palapit saakin.

"Run!" Rinig kong sigaw ng Mama Ni Hira dahilan para tumakbo ako ng mabilis. Yung tipong wala ng bukas. Ni lock ko kaagad yung gate ko. Maraming tao kaya alam ko na hindi nila ako kaagad maabutan.

Dali dali akong umakyat ng hagdan. Para kunin ang nga gamit ko. Natataranta na ako kaya kung ano lang ang madampot ko yun lang ang kinuha ko.

Wala akong dalang pera kanina kaya hindi din ako makakatakas agad dito.

Kumalabog ang pinto sa baba, Umiiyak na ako habang dala ang isang maleta ko.

Nalaglag ko nalang ang maleta ko ng makitang nakapasok na sila Schunnon sa loob ng bahay ko.

"Leave me alone!" sigaw ko na alam kong rinig na sa labas.

Nag lakad lang siya palapit saakin. Umatras lang ako nang umatras pero halos mapaupo ako kung dilang ako nakahawak sa handrail baka napaupo na ako. Aakyat pa sana ako sa taas ng hilahin niya ako at hinapit palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

Walang tigil niya na hinahalikan yung ulo at mukha ko.

"I missed you!" Nang mahahalikan na niya ako sa labi agad ko na siyang tinulak

A love without Pain - Bachelor Obssesion Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon