Le Chapitre 17

28 2 0
                                    

WARNING! PLAGIARISM IS A CRIME!

Nakaupo lang ako sa may katabi ng bintana ko, Pwede din akong humiga kung gugustuhin ko dahil pinasadya nila Daddy ang style nito. Nakatanaw Lang ako sa labas ng bahay namin.  Weeks na ang lumipas, Matapos kong bumalik dito sa manila.

Hindi na din ako muna pumasok sa school, Tapos ko naman na ang module ko, For the whole semester. Sa next semester na ako ulit papasok sa school.

Nakita ko ang mga nakatayong Body guards na iniwan ni Daddy. Kung nasa apat lang ngayon madami na talaga.

Bantay sarado din ako, Kailangan pag lalabas ako malalaman muna nila Daddy kung saan at kung minsan kung may kikitain dapat alam nila.

Bihira nalang din sila Mava dito, Hindi naman nagalit sila Daddy sa kanila, Pinag sabihan nalang din sila na wag ng uulitin. Kahit sino naman daw na kaibigan gagawin yun.

Yung mga picture nung lumabas sa screen nung umalis ako, Pinabulaanan nila Mommy na edited daw yung mga picture.

Sinabi din nila na kaya ako umalis dahil para na din sa sariling kaligtasan ko.

May death threat na palang natatanggap sila Mommy at ang pamilya nila Schunnon.

Kaya pala ganoon nalang din ang pag aalala nila.

I'm back to my senses when i heard a beep from a car. Dumating na sila Daddy at Mommy kagagaling lang nila sa isang importanteng meeting..

Hindi ko masisisi sila Mommy na ganito kadami ang bantay ko ngayon, Alam ko na natatakot lang sila na umalis ulit ako at madakip ng mga kalaban nila. Malapit na ang election. Napahinga lang ako ng malalim at nag pasiyang bumaba para salubungin ang magulang ko.

Bumababa na ako sa grand staircase namin at ang pag pasok naman ng magulang ko, Kaya nag madali akong bumaba sa dinamba si Mommy ng yakap.

"Hmm...... My princess missed me so much, Huh." Mas yinakap ko si Mommy ng mahigpit. Nakita ko si Daddy na nakatingin lang saaming dalawa ni Mommy kaya siya naman ang yinakap ko.

"How's the meeting po?"

"It's fine Baby, Si Schunnon naman desidido na tumakbo bilang mayor" tumahimik ako at umupo nalang. Sa tuwing nababanggit si Schunnon tumatahimik lang ako sa isang tabi.

Tinignan ko lang si Mommy at nginitian, Ganito naman palagi, Si Mommy lang ang nakakaalam ng mga ayaw ko.

Napansin din yun ni daddy kaya nag iba sila ni Mommy ng topic.

Paminsan minsan nandito si Schunnon. 'Diko alam kung anong pakay niya. Pag nandito siya nasa loob lang ako ng kuwarto ko. Di naman niya ako ginagambala.

Pero dakilang epal pa din siya. Dahil yung mga guard pag katapos sabihin kanila Mommy ang plano ko pag aalis ng bahay, Sunod na tinatawagan ay siya.

Ilang minutong eksplanasyon muna bago siya pumayag na umalis ako ng bahay kaya kahit anong gawin ko na pang aasar sa kanya sa huli ako pa din ang sumusuko. May paninindigan!  As if naman na kailangan kong mag paalam sa kanya.

Wala naman siyang karapatan. Wala pa din akong magagawa kung di ako susuko, Mag tatagal lang ang usapan. Trinay ko nga dati na babaan siya ng Cellphone, Aba ang walang hiya, Tinawagan ang pinaka leader ng Body guards ni Daddy sinabihan na wag na wag akong paaalisin hanggat 'di siya pumapayag at hindi ako maayos na nag papaalam!.

Gulat na napatingin ako sa taong nasa harapan ko. Si Schunnon na halos gahibla nalang ang layo saakin. Siya ang humalik sa pisngi ko na nakapag paalis saakin sa pag kakatulala. Kanina.

"Hey" tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Akmang lalapit pa ulit siya saakin, Hindi ko alam kung bakit. Tumayo na ako at nag mamartsang pumunta sa kusina. Nakita kong nag hahanda si Mommy ng meryenda namin.

A love without Pain - Bachelor Obssesion Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon