Le Chapitre 1.

9 2 0
                                    

.

.

.

.

Kat's POV





"Katana Andrauxe Guerrero!"



Rinig ko ang sabay at malakas na sigaw mula sa taas habang naglalakad ako paakyat.



Nakasalubong ko agad si Sam at Eve na nakangiti at mukhang kanina pako hinihintay.



"Hi! Samantha Canman at Phoebe Debriz, Problema niyo?" natawa ako dahil sa sabihan namin ng full name.



Nasa likuran nila si Anella na tila parang may tinitignan sa loob ng classroom.


Nako 'tong si Dianella Liledelle, Naghahanap na ata ng pogi!


First day of school ngayon at balita ko maraming transferee kaya medyo e
excited na rin naman akong pumasok.


Kumaway ako sakanila at lumapit para sabayan pumasok.



"May gwapo ba dito?" bungad agad ng bunganga ko. nakitingin din ako katulad ni Anella na mukhang seryoso!


"Wala naman ata" sambit ni Anella na mukhang nalungkot.


Napatingin ako sakanya and I chuckled a bit.



"Sino kaya mga matatalino dito?" Seryosong sabi naman nitong si Eve, na kumbaga parang ready na makipaglaban itong si Miss Valedictorian.


Hindi namin napansin na nasa loob na pala ang adviser namin kaya dali dali kaming pumasok at umupo sa mga bakante.

Habang nagsasalita ang adviser namin ay tila nalutang ako.


Napatingin ko sa mga kaklase kong transferee at napaisip nga sa tanong ni Eve kanina.



Since prep palang ay dito nako sa School of Asheville Christian o SAC nagaaral, Private School ito at iisa lang ang section sa bawat Level, kaya nakakapaghinayang talaga pag may mga transferee na bago.



Heto naman kaming mga Orig SACians palaban syempre Haha! pero syempre mababait parin kami no! ganto lang talaga kami minsan lalo na't matagal nakaming magkakasama.



Nagsimula na ang pag iintroduce namin isaisa, Kinabahan ako ng kaunti pero nawala rin yun kaagad.



Natapos na ang advisory time at nagsimula nang pumasok ang ibang subject teachers.


Masaya ako nang Science time na dahil pagkatapos nun ay recess na Haha!



Pagkatapos ng maikling pag papakilala ng subject teacher namin sa Science ay nagkwento pa ito ng kung ano ano minsan sa buhay tapos napupunta sa Science.


"What is Science?" biglaang tanong ni subject teacher.


Napatayo kaming lahat dahil sa walang sumasagot. Makalipas ang ilang minuto nakasagot ang isa sa Orig. SACians naming kaklase namin na si Matthew.


Matagal narin si Mathew nagaaral dito since Grade 1 pa ata, di kona matandaan masyado. Hindi siya ganuon ka gwapo pero mabait siya at matalino.


Masaya kaming nagkukwentuhan nila Eve, Sam at Anella habang kumakain, heto kami na curious parin sa mga bago naming kaklase.


Makalipas ang mga ilang araw ay nagiging masigla na ang section namin, nagkakakitaan na ng mga mababait at matatalino!


Mga ilang araw habang nagrerecess ako ay nakita ko ang kaklase kong magisang kumakain na si Danica Z. nagfirst move nako para kausapin at makipagkaibigan sakanaya.


Na curious ako sakanya dahil parang ang weird niya. minsan nagpapasama pa siya sa Mommy niya pagpumapasok.



Second week of school.
Nagsimula na ang pagbobotohan ng class officers, Heto ako nanalo ng muse! Ganda ko diba,


Chos!

Labanan na sa kung sino ang President ng room.


"Zyle Ezekiel Renovette po!"



"Phoebe Debriz!!"



Madaming bumoboto kay Zyle dahil matalino siya these past few week. pero mukha siyang mapangtrip!




Heto kaming botong boto kay Eve syempre! Di ata kami nagpapatalo Haha.



"Congratulations!!"













.


.


.


.

CARTIER LOVE (Reply 083)Where stories live. Discover now