Le Chapitre 11.

7 3 0
                                    

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. may suot siyang bracelet na sobrang familiar saakin.

Patingin na ako sa mukha niya ng-

"Katana?"

Agad akong napatingin at napabitaw mula sa hawak niya.

"B-Bakit?"

Hindi ko nanaman alam ang gagawin ko ag nakikita ko siya.

"B-bye na a-aakyat nako" Utal na sabi ko

Tuluyan akong umakyat at binuksan ang pinto.

"SURPRISEEEE!!!"

Nagliparan ng confetti at may cake sa harap ko.

Ano to? bakit puro naka jersey at puro lalaki sila, Sinong mag birthday??

Shoot!

"Happy birthday captain! Happy B-bi- Sino yan bro?"

Captain?!

Nagtaka sila at tumingin saakin.

Bobo mo Kat anong pinasok mo!

"Sorry! nagkamali ako ng pinasukan ko!" Sigaw ko.

Tumingin ako sakanila at umiwas agad sa sobrang hiya.

"Sayang confetti dude!"

"Ayos yan miss nag birthday ka ng advance, Happy birthday!"

Advance daw? tapos na birthday ko mehn!

Di ko alam ang gagawin ko sa hiya.

"Tae nasan naba si Captain?"

Nagtatakang sabi nila.

Palabas na sana ako ng nahinto ako sa dibdib ng isang lalaking matangkad.

"Happy birthday Kat" Sambit nito.

Naalala ko ng araw ngayon September 18! B-birthday ni Zyle!

"Z-zyle" nauutal na sabi ko.

"Salamat dito last 4 years ago" tinaas niya ang kamay niya at tinuro ang bracelet.

Oo! yung regalo ko sakaniya nuon. ngayon lang siya nag p-pasalamat.

"Ha-Happy Birthday Zyle" Bati ko.

Yumuko ako kaya hindi ko kita ang reaksyon.

"U-una nako sorry ulit!" Sabay labas ko.

Paglabas ko ay agad kong sinara ang pinto at huminga ng malalim.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Gagi bro kilala mo yun?"

"Sayang surprise namin bro, pero mukha namang nasurprise ka Haha!"

"Boy kala ko sa anime kalang may waifu, bakit parang ngayon may waifu ka na ha?"

"4 years naman pala!"

Waifu?? nanunuod parin siya ng Anime?

Naglakad ako ng mabagal ng marealize kong hawak ko parin pala ang notebook kanina sa library.

Pababa na ako ng biglang bumukas uli ang pinto ng pinasukan ko kanina.

Mabilis akong tumakbo at nagtago, nakasilip ako at nakita kong lumabas si Zyle ngunit hindi nagtagal ay pumasok na siya ulit.

Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa nangyayari ngayon.

4 years nayun! ngayon pa talaga?

Coincidence lang ba to o meant to be lang talaga?

CARTIER LOVE (Reply 083)Where stories live. Discover now