Le Chapitre 15.

3 3 0
                                    

Ang init na kasi sobra, hindi ba yon naiinitan? hindi nako nakipagharot pa at umuwi na diretso sa dorm.






Ang bango.










Kat's POV

Nasa Cafe shop ako ngayon dahil nagduty ako.

Ang ganda talaga ng napasukan namin na trabaho!

Actually hindi yung trabaho eh.

Yung place tsaka yung uniform lang.

Syempre joke lang baka tanggalin ako sa trabaho, nako!

Pagpasok ko ay may kanina pang nakaupong lalaki malapit sa wall, pero hindi ko makita face niya kase nakatakip sa menu.

Naka white t-shirt siya sa loob ng black blazer terno sa pants niya at kulay puti ang sapatos.

Ang porma! Makikipag date ata toh! wow sa cafe lugi ka nyan eh! HAHA sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan siya.

Meron kaming menu sa bawat table ang cute nga eh.

Bagay na bagay dito sa shop, mukha kase itong binabad sa kape tapos lukot lukot pa, ang Vintage talaga! Naalala ko tuloy mga projects at assignments ni Luna nun.

Mga ilang minuto na siyang nakaupo at nakatingin lang sa menu.

Kaya naman nilapitan na siya nung isang kasama ko na waitress dito. Makalipas ang ilang minuto.

Biglang lumapit sakin itong kasama ko.

"Katana ikaw daw gusto niyang mag entertain sakanya" biglang sabi sakin ng kasama ko.

"Huh bat ako?" pagtatakang sagot ko.

"Basta puntahan mo nalang! sige ka baka mawalan tayo ng customer!" Pagtatangkang sabi niya sakin.

Medyo weird hah bat ako gusto niya mag entertain sakanya? tanong ko sa sarili ko habang palapit sakanya.

"Magandang araw po!" Masayang pagbati ko saaming customer

"Kasing ganda niyo po miss." Chill na sagot niya at parang iniba ang boses.

"Hah ano po yun sir?"

"Opo maganda po talaga ako charot!" Pabirong sabi ko kahit totoo.

"Di niyo pa nga po ako nakikita eh"

"kanina niyo pa kase hawak yang menu." Sagot ko naman sakanya

“Pero kanina mo pa ko pinagmamasdan hah.” Biglang sagot neto.

"Luh di naman sir hah napatingin lang, ang porma niyo kase, makikipag date sguro kayo noh?"

"Alam niyo sir dalhin niyo siya sa Baluarte De San Diego! huwag dito lugi kayo!" Sigaw ko.

"Ay! kaso lugi din pala ako hehe" Napakamot ako sa ulo ko.

"Pero sir maganda kasi talaga dun nalang din kau magpakasal lahat daw po ng kinakasal dun nagtatagal.

“Ganuon ba?” Biglang tanong nito.

"Okay sir ano pong gusto niyo?" Para maserve ko na po.

"Ikaw"

"Huh?" Pagtatakang sagot ko.

Kaya naman bigla kung binaba ang hawak niyang Menu.

Nagulat ako ng napatingin si Zyle saakin.

"Oh hai babe" Biglang bati neto.

"Anong babe ka diyan tumigil ka Zyle!" masunget na pagkasagot ko

CARTIER LOVE (Reply 083)Where stories live. Discover now