Chapter 34

75 4 4
                                    

"M-miss, can I a-ask? Who's the pedia-in-charge with my sister?"


I stutter as I say those words in front of this lady nurse, hoping it wasn't him. Hoping it's not the guy whom I love 10 years ago. Hoping it's not Gavin. 


"Dr. Gavin Regalado, the owner of the clinic po," malumanay na sabi ng babae. 


Napaawang ang mga labi ko dahil sa narinig. Did I hear it right? Is he really the one in-charge for Brit? Did he really build this clinic himself? I froze with my position. I felt all the memories came back. 


"G-gavin?" Paglilinaw ko sa kaniya at tumango naman ang babae. 


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil naging ganap na doctor siya o malulungkot dahil wala ako sa tabi niya noong inaabot niya ang pangarap niya. Gusto kong maiyak pero bawal dahil wala na akong dahilan pa para umiyak. 


"Paparating na po si Doc, ilang minuto nalang po," sabi nang nurse na nandito pagkatapos sumagot ng tawag. Si Gavin na ba 'yon?


I wanted to turn my back. I wanted to run. I wanted to leave. I wanted to go. Hindi ako handa sa mga mangyayari. I know it's a small world for us here in Manila at malaki ang possibility na magkita kami. 


I must prepare myself back when we decided to settle here in Manila pero sa loob ng sampung tao, naisip ko na never akong naging handa. 


Sumisikip ang dibdib ko dahil sa kaba. Ano nalang kaya ang iisipin niya sa 'kin? Nagbago kaya ang itsura niya? May bago ba siyang kinakasama ngayon? Magagandahan pa rin kaya siya sa 'kin?


Dali-dali kong kinuha ko ang salamin sa bag ko. "Oh, God, baka pangit ako." I looked at myself and fixed my face. 


Bakit ako nac-concious?! Napapikit ako dahil sa ginagawa ko! "Olivia, calm down." I tried to inhale and exhale, trying to calm my inner self. "Walang marupok sa pamilyang 'to," bulong ko sa sarili ko. 


Nagulat ako nang tapikin ako ni Brittany. Tumingin ako sa kaniya at nakitang may hawak siyang lollipop sa kamay at mukhang ipinapabukas niya ito sa akin. Wait, wala naman siyang dala kanina, ah?


"Saan mo galing 'to? Diba ate told you not to get food from strangers-"


"Sweets are good for kids lalo na kapag may sakit silang iniinda. It makes them calm." Napatigil ako sa pagsesermon sa kapatid ko nang marinig ang malalim na boses na iyon. 


That voice.. his voice. It reminds me of everything. Ayaw kong lumingon dahil takot akong makita siya ulit. Ayaw kong makita ulit ang mukhang sobrang minahal ko dati.


Humigpit ang hawak ko sa lollipop na inabot sa akin ni Brit. I know I look dumb dahil nakikita kong nanginginig ang mga tuhod ko. 


"Bring her to the examining room, I'll just change my clothes," narinig kong sabi niya sa nurse na kausap ko kanina. 

Escape from Reality (Realto #1: Completed)Where stories live. Discover now