IKA-APAT NA PAHINA

84 5 2
                                    


"Eliticia?" ngising usal ng lalakeng halimaw.

"Ang tapang mo naman para kalabanin ang mga taong lobo?" angas ng isa na sumasakal kay Fiora.

Nagngitngit si Eliticia sa gigil sa dalawang halimaw na taong lobo. Umangat sa ere si Eliticia at lumulutang din ang buhok niyang umiilaw sa kaputian sa gitna ng madilim na kapaligiran. Nagmulat ito nang mata at may liwanag din iyon na puti.

"Sa tingin mo ba mangangatog kami sa pailaw mo, huh?" ngisi ng isang lalake at nagpalit nang anyong lobo saka akmang madadamba na niya si Eliticia.

*Pogshhh!!* Sumalpok sa patay na puno ang kawawang lobo at tumingin ito sa sumalakay sa kanya.

"Ang lakas naman ng loob niyo na lapastanganin ang matandang mangkukulam at hawakan ang babaeng iyan!" malamig na tinig ngunit may bakas pa rin na pagbabanta.

"H--haring K--Kairo?!!" nginig na usal neto kay Kairo.

"Bigla yatang nalagas ang balahibo ng yabang n'yo?" Naantok na wika ni Kairo.

"Pa--patawad kamahalan h-hindi na... na mauulit..." Biglang binaba si Fiora ng sumasakal dito at nagmadaling tumakbo ang dalawa.

"Ikaw na ang bahala sa kanya." Utos ni Kairo kay Eliticia bago maglaho.

"Ganun na lang ba 'yon?" Biglang litaw sa harap ng dalawang lobong parang tutang napahinto sa pagtakbo.

"P--patawad H--haring Kairo..." Nanginginig na usal ng dalawa. Napangiti si Kairo sa dalawa at inilabas ang gintong katana. Dinilaan ito ni Kairo at nasugatan ang sariling dila bago isaksak sa lupa, tanda ng pagbubukas ng sinumpang panaksak na kung sino man ang masaksak ay mamatay at maibibilanggo ang kaluluwa sa panaksak.

"Alam n'yo bang uhaw na uhaw sa kaluluwa ang aking gintong katana?" Usal ni Kairo at humakbang papunta sa dalawa.

"Patawarin n'yo po kame kama----" isang kisap ng mata ay dinaanan lang ito ni Kairo at nagkalasoglasog ang katawan.

"Wahhhhhhh!!" Hiyaw ng kaluluwa ng dalawa na sumasama sa kumikinang na panaksak.

"Nasayang oras ko." Antok na bumalik ito sa tahanan at pinuntahan si Fiora.

"Hindi pa s'ya gising dahil sa pagkakatagal ng pagsakal sa kanya kaya baka bukas pa s'ya magkamalay." Pahayag ni Eliticia.

"S'ya ba talaga ang itinakda?" Tanong neto dito.

"Lahat ng bagay may dahilan." Usal ni Eliticia at naglahong parang usok.

"Bakit ikaw?" Tanong ni Kairo at napatitig sa labi ng dalaga. Kusang gumalaw ang katawan ni Kairo at hinalikan ang tulog na binibini sa labi.

"Ano bang ginagawa mo!!" Saway ni Kairo at pumunta sa sariling kwarto. Dinampot niya ang isang inumin na ipinasadya sa kanya. Ang dugong wine na hindi tulad ng ordinaryong wine na hindi nakakalasing.

FIORA POV

Napamulat ako ng mata at nag-inat.
Napatingin ako sa suot ko.

"Hala naka uniform parin pala ako." Sambit ko sa sarili at inalala ko ang nangyari kagabi.

"May sumakal sa akin kagabi ah?" Takang napahipo ako sa leeg ko at nahipo ko na may kunting parang balahibo ng aso.

"Sinakal ako ng aso? Pero nagsasalita e!! Ay bahala na weird nga 'yung umaga na pero gabi parin dito hay nako! Hindi na ako maliligo tutal naka unipurme na ako e hahaha." Tumayo ako at nag toothbrush bago lumabas ng kwarto.

Pababa na ako nang makita ko na sobrang daming tao. Nakita ko ang mga pagkain na nakahalera na hindi pamilyar sa paningin ko.

Napabuntong hininga ako dahil kahit macaroni salad wala sila! Akala ko dito ko na matitikman ang gusto kong kainin. Napanguso akong pumunta sa kusina at buti wala nang tao dito at hindi ako pinapansin ng mga bisita na kasing dami ng tao sa dalawang baranggay, hindi ba dito mauubusan ng bisita at tuloy-tuloy ang dagsa ng tao? Napatingin ako sa mga cabinet at nagbabasakaling may makita akong macaroni. May nakita akong huling cabinet at binuksan ito.

Nanlaki mata ko nang makita ko ang mga kailangan ko hihihi.

Inihanda ko lahat ng kailangan ko at inumpisahan na magpakulo ng tubig na may mantika. Nang kumulo ilinagay ko ang macaroni at kunting asin. Ganyan 'yung nakikita ko na ginagawa ng mga nagluluto sa bahay nila tiya pero kailanman hindi ko natitikman dahil sa tiyan nila lahat ang bagsak ng pagkain at kulang pa sa kanila ang isang plangganang macaroni salad. Tuwing lagi akong nauubusan pinapanalangin ko na sana magka LBM sila at tinutugon naman ang hiling ko hahaha.

Nag mix na ako nang mga condensed milk, cream at iba pang mga sangkap. Tinikman ko at nasarapan na ako,iniisip ko na gawin ko nalang kayang ice cream? Hahahaha pero macaroni ang gusto ko at napag-isipan ko na pagyelohin na lang ang ginawa ko.

Naihalo ko na ang macaroni sa hinahalo ko kanina nang biglang may sumulpot.

"Anong ginagawa mo?" Biglang tanong ni Sir.

"Ahhh ito po? Macaroni salad po, oh tikman mo po." Ngiti ko at isinubo ang isang kutsarang macaroni salad. Nginuya n'ya ito at titig na titig ako sa reaksyon n'ya.

"Ano sir?" Tanong ko.

"Ampangit ng lasa." Usal n'ya pero bakit n'ya linunok?

"Sir kapag lumamig ito baka sumarap sa pang lasa mo." Sabi ko at ipinasok sa freezer para madaling lumamig.

"Mamay--" napalingon ako bigla s'yang nawala sa likod ko. Napaka bilis naman ni Sir, dinaig pa kasali sa marathon.

Umalis na ako sa kusina at pupunta na sanang garden pero nakita ko ang daming tao din doon. Hays wala ba akong lulugaran? Bigla ko naisip ang rooftop.

"Siguro naman walang tao doon?" Usal ko sa sarili at pumunta nang rooftop.

"Luhhh!!" Gulat na usal ko nang makita na may mga tao din doon at may mga costume silang malaking pakpak ng paniki.

"Grabe naman lahat na tinambayan." Lumo akong bumalik sa kusina at napangiti ako sa nakita. Abala itong linalantakan ang macaroni salad ko kaya hindi niya ako napansin na nasa likod n'ya ako.

"Sir, hati tayo ha." Usal ko at gulat na napalingon siya sa akin. Natatawa ako sa itsura n'ya. May mga cream ang gilid ng labi n'ya.

"Anong hati? Hindi ko nga gusto ang lasa, tsss." Pagtatanggi n'ya.

"Anong ginagawa mo sa macaroni ko?" Tanong ko na nakangiti.

"Inaamoy ko lang." Patuloy na pagtatanggi n'ya.

"Kailan pa naging pang-amoy ang bibig?" Tanong ko parin haha. Napatingin s'ya sa mata ko at tinignan ko din ang mata n'yang malamig tumingin pero nakakaakit.

"Alam mo Sir, huwag mo na itanggi. Hati na tayo d'yan pero ang masasabi ko sa'yo Sir. Mas masarap kapag matigas-tigas na s'ya." Ngiti ko pero parang biglang namula si Sir? Namumula din pala s'ya kahit maputla?

"A--Anong masarap?" Tanong ni Sir.

"Yaan po." Turo ko sa baba n'ya at napatingin s'ya sa iba.

"Akina na nga 'yan Sir. Masyado kang atat kainin ang macaroni ko. Mamaya natin kainin ito." Sabi ko at kinuha ang lalagyanan bago ibalik ito sa freezer. Humarap ako kay Sir at napatingin ako sa gilid ng labi n'ya na may cream. Para akong nauuhaw na inilapit ang mukha ko sa kanya at dinilaan ang cream sa gilid ng labi n'ya. Napadilat ako nang biglang nagsalita si Sir.

"Anong ginagawa mo?" Tanong n'ya at nabalik ako sa ulirat nang tignan ko si Sir na nakatayo sa harap ko at nagtatakang nakatingin sa akin.

"Wala po Sir, mamaya na natin lantakan ang macaroni salad ko. Paalam po." Sabi ko na tumatakbo paalis sa kusina. Grabe bigla akong nahiya sa ginawa ko siguro nakita niya nang buo kung paano ako dumilang nakapikit. >__<

______
UNEDITED VER.

VOTE AND COMMENT GUYS!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE LAST VAMPIRE(ON GOING)Where stories live. Discover now