Kapitulo Tres

5 1 0
                                    

"Sino yan?"





Tanong ni Van nang tiningnan niya rin ang larawan na tinitingnan ko sa newspaper. I immediately folded the papers and placed it on top of the table. Bumalik na rin ako sa pagkakaupo.



"Anak daw ng Prime Minister. Kaka-eighteen lang. Aquarius siya." Walang-ganang sambit ko.



I was never interested of other people's lives so I tend to not care even a little kapag may nasasagap akong balita tungkol sa ibang tao. Focusing on other people's lives is an aberration from figuring out mine.



"Ah! Yun Jaze Rafael? Gwapo no?" Malanding sigaw ni Nari.



"Ang pangit ng taste mo Celeste Dinari." Masungit na komento ni Van.



"Bakit? Selos ka?" Mayabang naman na tanong ni Nari.



"Ano? Asa!" Singhal naman ni Van sabay tapon ng couch pillow sa mukha ni Nari. "Hindi kita type at kung meron man akong type ay si Aya yun!" Sabay turo pa niya sa mukha ko.



"Whatever." Irap ni Nari.


Natawa na lamang ako sa pagtatalo nila.



Palaging ipinagyayabang ni Van yung ideyang yun. That i'm his type. But even after how many years we've spent knowing each other, I never gained interest in him being a partner. He was just a friend and I was for him too. Naghahanap lang daw siya ng tulad ko but he never had the intention to date me or whatever.



"O pano? Alis muna kami para makapag-ayos ka diyan. Tapos mamayang lunch puntahan ka namin dito." Nakangiting tugon ni Nari habang naglakad na kaming tatlo papunta sa pintuan ng kwarto.



"Yeah. Kwentuhan niyo ako mamaya sa mga nalalaman niyo sa school na to ha?" Sabi ko.



Mabilis din silang nawala sa paningin ko, nagtatalo pa rin.



I closed the door and went inside my room. 


Talking about comfortability, mukhang hindi ako mahihirapang manatili dito for a year. But when I start to think about my family, bigla-bigla na lamang akong nangungulila. For 18 years, ngayong lang ako nahiwalay sa kanila nang ganito ka-layo. They have always been there by my side. And now, taking a step closer to my fate slowly takes me away from them.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon