Kapitulo Siete

5 1 1
                                    

"Sabi nung kasama natin sa klase, tinanong daw niya si Prof Hunter kung kailan ang training. Tapos sabi naman ni Prof ngayon na raw! Nakakaexcite!" Masayang pagkekwento ni Nari habang naglalakad kami papunta sa dining hall para sa almusal.



Nang makarating ako sa kwarto kagabi, I immediately continued my sleep. Hindi ko na inisip pa ang tunog na yun, nagbabakasakaling guni-guni ko lang yun.



As we went inside the hall, napakatahimik ng lahat. Namataan ko si Headmaster na nakatayo sa gitna at mukhang nasa kalagitnaan ng pagsasalita. Nagmadali agad kaming umupo sa harap ni Van at Ri.



"Anong nangyari?" Tanong ni Nari habang papaupo kami.



Sinulyapan kami ni Van bago siya nagsimulang bumulong.



"May sumuway daw sa rules kagabi." Bulong niya na ikinatigil ko.



Biglang kumalabog ang puso ko nang marinig ko yun.



Kami kaya yun? O baka ako lang? Nilaglag ba ako ng hinayupak na yun?!



Napahawak ako sa puso kong kinakabahan na. Kung nagkataon, this will be my first visit to the headmaster's office. At hindi ko inakalang parusa ang ipupunta ko don!



"You may eat." Malalim ang boses niya at mukhang galit.



Wala ni isang tumayo dulot ng takot sa headmaster. Yumuko ako at nang tumingala ay nagulat ako nang nakatingin na sa akin si Headmaster.



Nilaglag nga ako non! Hilingin niya na lang na hindi kami magkakatagpo ulit baka makapatay ako nang wala sa oras!



Napakagat ako sa labi ko nang bumuntong si Headmaster.



"Aria Serpahine Salazar and Aster Luca Morales, magpaiwan pagkatapos ng almusal."



Narinig ko ang bulungan sa paligid namin at pansin ko rin ang pandidilat ni Van at Nari, at ang nakakunot na noo ni Ri habang tumititig sa akin.



"Hoy gaga! Anong ginawa niyo?!" Bulong ni Nari.



Napasapo ako sa noo ko at napakagat ng labi. "Nakatulog ako sa library kaya lumampas ako sa curfew." Namomroblema kong pagkekwento.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon