Kapitulo Trece

9 1 1
                                    

I slept bothered that night. I kept thinking about the conversation of Professor Hades and Professor Hunter. Is Prof Hunter doing something against the school laws? 



Malalim ang pag-iisip, lumabas ako sa kwarto suot ang department uniform at tutungo sana sa office ng headmaster ngunit pansin ko ang problemadong mukha ng mga narito na parehong tutungo sa dining hall.



Kunot noo kong hinanap ang mga kaibigan ko. Nakita ko si Van na papalabas ng kwarto niya. "Van!" Tawag ko at tumakbo papunta sa kaniya. "Anong meron?" Tanong ko.



Seryoso siyang tumingin sa akin. "Tara sa dining." 



"Ha? Diba sa office dapat tayo 'first thing in the morning'?" I mocked headmaster.



"Basta dali na." Kunot noo niyang sabi at hinila ako papunta sa dining. 



Nang makapasok, dinig ko ang ingay ng lahat. Pawang nakakunot ang noo at mukhang naguguluhan. Namataan ko si Headmaster na problemado ang mukha sa harapan. Wala na naman doon si Professor Hunter. Nakita ko rin si Prof Hades na seryoso ang mukha at mukhang malalim ang iniisip. Parehong seryosong nag-uusap ang mga propesor. Napalingon ako sa direksyon ni Jaze at nakita ko ang titig niya.



"What?" I mouthed. Inirapan ko siya.



Naiinis ako sa kaniya sa di malamang rason.



Nang makapunta sa table, nagulat ako nang maabutan ang isa naming kasama na humahagulgol sa iyak.



"What happened?" Tanong ko kay Nari na seryosong nakatitig sa babaeng umiiyak.



Nang makaupo ako, nilingon niya ako. "Do you remember Gabby? The girl with a beauty mark on the right eye?" Tanong ni Nari.



"Oh bakit?" Tanong ko kahit di ko naman maalala ang babaeng yun. Though she's from our house, hindi ko siya maalala. I'm not good with faces and names.



"Nawawala siya." Bulong ni Nari.



"Ano?" Malakas na sabi ko kaya napalingon ang iilan sa akin.



"I-i d-d-don't kn-know w-what ha-happened t-t-to her.." Hagulgol ng babae. "I-I j-just thought that m-maybe sh-she we-went.... for a-a w-walk or s-something... but b-blood w-was all o-over her r-room..." Mas lalong lumakas ang hagulgol niya.

Galaxia: Dies Irae (The Day of Wrath)Where stories live. Discover now