Chapter 10

131K 1.8K 75
                                    

Tatlong oras. Tatlong oras na ako naghihintay kay Jasper dito sa Bahay saka palang siya dumating. Halos mapamura na ako ng hindi pa niya ako tinulungan sa pag-impake! The heck! Ang sarap niyang iuntog sa malaking bato ng magtanda siya! Arghhh!

May pinuntahan kasi siya kaninang umaga tapos sabi niya pagdating niya dapat naayos ko na daw lahat ng gamit. Eh buti sana kung tumulong siya pero hindi! Tapos siya pa may ganang magalit. Sarap lang sapakin!

Inimbita kasi siya ni sino nga ba yun? Andy? Ahh! Andrew! Oo yung Andrew, inimbitahan siya ni Andrew na mag overnight sa resort nito. Nung una ayaw niyang pumayag pero dahil sobrang kulit ng mga kaibigan niya, napa-oo na lang siya.

And now here it is! Dahil napipilitan lang siyang sumama, ako yung pinapahirapan niya. Tsk.

Busy lang ako sa pagbuhat ng mga gamit pababa ng hagdan ng makita ko siyang nakaupo lang sa sofa. Tumingin ito saakin at kinindatan ako. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy yung pagbuhat ko hanggang sa may narinig kaming kumatok. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jasper.

Pinanlakihan ko siya ng mata at tinuro ko yung pintuan gamit ang nguso ko signaling for him to open the door.

Kumunot din yung noo niya at umiling. Nginuso niya ako tapos yung pintuan.

"Jasper!" Naiinis kong sabi.

Tinaasan niya lang ako ng kilay, "What?"

Tinuro ko yung pintuan, "yung pinto!"

"What about the door?" Nakataas kilay niya paring' sabi.

"Buksan mo! Arghhh!" Nakakabaliw tong lalakeng to! Hindi ko alam kung nagpapainosente lang siya o di kaya iniinis niya lang ako! Nakakairita na siya promise!

Tiningnan niya lang ako and the nezt thing he did ay napasinghap ako. What the heck?! Nag earphones lang naman siya at nag focus dun sa phone niya. Napapikit ako ng mariin. "My gosh Jasper!" Palakas na ng palakas yung pagkatok kaya ako na lang yung nagbukas.

Pagbukas ko mukha agad ni Jack at Derek yung nakita ko. Unang pumasok si Jack, "Ang tagal niyo namang buksan yung pintuan." Nakabusangot na sabi nito.

Sumunod na pumasok si Derek, "Are you guys doing 'it' here?!" Automatic na lumaki yung mata ko at namula sa sinabi niya kaya yumuko na lang ako. Ano bang pumasok sa isip nila at yan ang sinasabi nila? Haaist! Magkaibigan nga sila ni Jasper.

Tumayo lang si Jasper at iniwan kaming tatlo. Lumapit naman saakin si Jack, "Asan yung gamit mo?" Nakangiting sabi nito. Ang cute cute niya talaga! Ngumiti din ako sakanya at tinuro yung dalawang maleta na nasa hagdan parin.

"Ako na magdadala." Hindi pa ako nakapagsalita ng kinuha niya na agad yung Maleta.

"Ready guys?!" Hyper na sabi ni Derek habang iniistart yung engine ng van. Nagsigawan naman yung mga tao sa loob. Well maliban kay Jasper na naka earphones parin.

Nakaupo ako sa pinakadulo ng van. Ako kasi yung pinaka huli kaya sa huli ako. Nasa unahan ko naman si Jasper na nakasandal sa bintana habang yung katabi niya is si Andrew pati yung girlfriend nito. Tapos yung sa unahan nila is Jack and Derek pati isa pang lalake na natutulog tapos yung katabi ng driver ay isang babae na nakasalamin na sa pagkakita ko kanina eh natutulog ito.

Sumandal na lang ako sa upuan ko ng makaramdam ako ng pagod. Maya maya bumibigat na yung mata ko.

**

Agad na inalis ni Jasper ang kanyang earphone ng maramdaman niyang nagstart na yung sasakyan. Agad siyang tumingin sa kabuohan ng sasakyan upang hanapin si Angiela and nakita niya itong nakasandal at nakapikit ang mata. Mukhang hindi pa nga ito komportable dahil nahuhulog ang ulo nito sa magkabilang balikat tuwing gumagalaw ang kotse.

The CEO and IWhere stories live. Discover now